ethical driving #1: on counterflowing

ang counterflow

unahin natin ang counterflow. ito ang pagtawid sa pasalubong na lane para makaiwas sa traffic sa tamang lane. Mali ito dahil sa 3 dahilan:

Una, ang ‘lane’ ay isang pila ng mga tao*. ang pagcounterflow ay parang pagsingit sa pila. isang kabastusan ito sa mga taimtim na naghihintay ng kanilang panahon. kung hindi ka sisingit sa isang pila sa skwela, o sa lto o sa mrt o kahit saan, hindi ka dapat nagka-counterflow. kung sumisingit ka tlga sa mga pila, ok lang sa personality mo magcounterflow, pero sana masunog ang singit mo sa impyerno at mag-counterflow ang mga fire ants sa pwet mo..

pangalawa, cause and effect, kung biglang bumagal ang nasa harap mo, may dahilan, hindi dahil tanga at tarantado agad ang kotse sa harap mo. baka may kakaliwa, baka may lalabas sa intersection, baka may pinapatawid na tao. baka nagtraffic. wag agad umovertake unless siguradong tatanga tanga talaga yung nasa harap mo. napansin ko kasi sa mga taxi, makakita lang ng pulang ilaw sa likod ng sasakyan sa harap nya, kakabig na agad pakaliwa. makakabangga ka pa ng tatawid o kakaliwa. dahil kung ikaw ang papasok sa isang intersection at bumagal na ang nasa harap nung tatawirin mong lane, ibig sabihin nun pinapadaan ka nya. bastos na yung biglang sisingit sa kaliwa (minsan kanan kung kasya) ng nagpapadaan sa yo at uunahan kayong dalawa sa intersection. gets nyo ba? sana..

bukod pa dun, pag nag-counterflow ka, hinahassle mo yung papasalubong na lane. isipin mo na marahil kaya maluwag yung kabila ay nakabuhol ang intersection. dahil sa pagcounterflow mo, sisikip ang kabilang lane, so lalong bubuhol yung dalawang direksyon dun sa intersection kung san nanggagaling yung kabilang lane at kung san ka papasok.. tandaan na ang magandang solusyon sa traffic ay ang pag-isolate nito sa isang lugar. pag nadamay ang iba, magdodomino effect yung sa pinanggagalingan ng lahat ng traffic at lalong gugulo.. kaya wag magcounterflow.

pangatlo, simpleng batas na di pinapatupad. ang solid white line ay di dapat tinatawid. hinuhuli dapat ang mga lumalabag dito. pero nakapagtataka na minsan ginagabayan pa ng enforcers ang mga nagka-counterflow. kung hindi ka naniniwala sa unang dalawa kong sinabing dahilan, manalig ka sa batas natin. nakasulat yun sa batas trapiko. hinuli ko ang dahilan na ito dahil bihirang sinasagot ng batas ang tanong na ‘bakit?’ at talagang di natural sa tao ang blind obedience.

marahil maraming gumagawa nito dahil sanay sa provincial driving. dun sa mga 2 lane national roads. iba ang counterflow dun dahil isa o dalawang kotse/tricycle/tractor/kalabaw lang ang inoovertakean mo. at ito ay dahil lang mabagal sila. at ito ay dahil sinisiguro mo munang walang kasalubong. sa city driving, hindi mo pwedeng overtakean ang buong pila dahil mabagal silang lahat. di ba? ulit, di porke’t bumagal ang nasa harap mo ay tanga at tarantado na agad, bago mag-overtake, siguraduhin munang tanga at tarantado lang talaga ang nasa harap mo.

ngayon, ano ang dapat ginagawa sa mga nagkacounterflow? gaguhin mo! pag nakasalubong ka ng nagkacounterflow, wag mo iwasan, wag ka bumagal, businahan mo, ilawan mo ng high beam. kung siya ay hindi tarantado at tanga, tama ang tantiya niya at mkakapasok siya ulit sa lane nang hindi ka pumepreno. kung matraffic, di nya dapat ginawa yun dahil di siya makakasingit agad at nadaraya na siya sa pila. kung tanga lalo siya, babanggain ka nya. pero wala siyang laban dahil nasa tamang lane ka. siya ay nagka-counterflow. illegal sa batas yun. takutin mo lang, tapos perahan mo. pero ingat lang! dapat may baril ka pag ginawa mo yun.

ayan, ang una kong post.. next up, U-turn ethics, intersection ethics, pedestrian ethics, motorcycle ethics, etc. hahaha.. this field study was conducted in white plains, katipunan bound and cp garcia, katipunan bound din. hahaha..

*tao ang tawag ko sa mga kotse dahil napansin kong nakakalimutan na nating tao ang nasa loob ng mekanikal na bagay na nasa harap mo. ang nangyayari sa mga matatagal nang nagmamaneho ay namanhid na sila sa ideya na ang laman ng kotse ay isa pang tao na may sariling pupuntahan na malamang ay sing importante ng sa iyo. ang nagiging tingin nila sa mga sasakyan sa daan ay pawang mga balakid o obstacle sa pupuntahan nila. hindi sana tayo ganun magisip. pag mabago natin yun, maraming mangyayaring maganda at maraming aayos.

ps: if you find this post true, help me propagate the information! re-post this anywhere else! the first step in fixing any system is information dissemination.

One Response to “ethical driving #1: on counterflowing”

  1. Aaron Says:

    BLOGS ARE AN INCREDIBLE WASTE OF TIME!!! INDEED BUT HONESTLY I HATE COUNTERFLOWING IDIOTS!!!!! unless of course the police allowed them to passively or actively (then the police is an idiot if the situation was wrong, and was very smart if it was…… oh well)

Leave a Reply