why im not a leftist
"Hmm… sensha na ang dami kong comments ha. Pero pansin ko lang, mukhang galit na galit ka sa mga tibak. But let me ask: did you try, even once, to look into their sentiments and analyze (really) the situation? If I were you, I’d stop blabbering for once and try to see the society from their point of view at kung bakit ganun ang mga sentimiyento nila. Inuuna mo kasi yata ang galit. Nabara ka kasi siguro ng isang prof na tibak noh o kaya baka naman nasopla ka ng isang estudyanteng tibak? Oh well, whatever the reason, sana lang, ‘wag maging sarado ang mga isipan. And try to live with the masses para hindi ka rin dada nang dada at nang hindi sila ang sinisisi mo. Oh well, suggestion lang naman po ‘yon. But then again, that is "If I were you". Internal pa rin ang mapagpasya. Gudlak! &;p"
ei jonna! sabi ko na ikaw ang unang magbibigay ng violent reaction sa post ko! let me answer your question. yes, i have tried looking into the philosophies and principles of the Left back when i was trying to understand what’s happening to our country.
paulitulit ko namang sinasabi na walang personalan ang comments ko at pawang tagisan lang ng prinsipyo at pilosopiya di ba? hindi ba ibig sabihin nun ay galit ako sa prinsipyo ng kaliwa at hindi dahil may nangaway sa aking prof o may nanablang tibak sa akin. i have tried debating with a lot of people from the left trying to find meaning to your cause. pero they failed to convince me. sila pa nga ang tinabla ko with my questions that they failed to answer coherently. pero at least pinakinggan ko kayo di ba? kaya naman alam ko ang tinatabla ko. pinakinggan mo ba yung mga sinasabi ko? yun ang sabihin mo kung mali. ang napansin ko kasi sa tibak, parepareho ang response. like what you did. kung anoano ang sinabi ko at ang response mo ay "’wag maging sarado ang mga isipan. And try to live with the masses para hindi ka rin dada nang dada at nang hindi sila ang sinisisi mo." imbis na point by point ang reaction mo sa bawat topic ko.
naisip niyo na ba na ang kaliwa ang sa tingin ko ay sarado ang isipan? ang pagiging bukas ang isipan ay nangangahulugang iniintindi mo ang side ng bawat isa bago gumawa ng desisyon. at pinagaralan mo ang desisyon na yun kung ano ang kahahantungan. nagawa mo na ba yun? tatlong dekada na ang mga prinsipyo ng kaliwa, at laos na yun. hindi na siya babagay sa lipunan at kultura ngayon. yun nga ang sinasabi ko sa sinulat ko e. maraming nag-aral ng lipunan natin at nagisip ng makabagong mga solusyon sa mga problema natin. mga solusyon tulad ng constitutional amendment, privatization ng mga gov’t firms, capitalismo, globalisasyon. ito ang proposed solution ng maraming tao na involved sa mga industriya at business. dito nanggagaling ang pera ng bansa natin! at ito ang aayos sa sistema natin batay sa experience ng mga taong dumaan sa sistema na ito.
ano ang sinasabi ng kaliwa dito? kung saan ilang bahagi ng kaliwa ay nakatira sa bundok ng ilang taon na? ano ang alam nila sa kalagayan ng ekonomiya, in particular, ang big picture o macroeconomic point of view. sinasabi ninyo na ito ay magreresulta sa pangaabuso, pangiisa, para sa kapakanan ng mga kakaunting makasarili, ng mga corrupt na pulitiko. wala pa nga, minamasama na agad. oo may posibilidad na mapasama. pero lahat naman ng sistema ay may posibilidad na mapasama pag hindi naaalagaan(sa engineering ko din nakuha ito) walang perfect solution sa kahit ano. pero hindi mo dapat basta irereject bawat sistema dahil sa ilang maliit na posibilidad. dito dapat natin ituon ang vigilance natin. na wag mapasakamay ng mga gahaman at makasarili ang sistema. ngayon ang sistema natin ay madaling mapasok ng masama. kaya nga gustong palitan. kaya gusto magcharter change.
at tignan niyo ang organisasyon ninyo? ang kaliwa ay nahahati sa higit sa dalawang magkaaway na paksyon. ang mga loyal kay joma tulad ng bayan muna nina satur ocampo, ang akbayan nina etta rosales na hindi na kapareho ng paniniwala kay joma, ewan ko kung ang sanlakas ay nasaang panig. baka nga hiwalay pa. at magkaaway din. kahit si joma, ang prinsipyo niya ay hindi rin tugma kina mao zhedong. tamang ehemplo ba yan ng prinsipyong gusto ninyong ipalaganap sa lipunan natin? ang mga sundalong galit sa sistema ng afp, hindi rin kapareho yun ng hinihingi ninyo. madumi talaga ang AFP at may first hand experience ako dito. pero ito ay dahil inaabuso ang sistema. hindi kasalanan ng sistema ito. hindi pa nga napapatupad ng maayos ang sistema pinapabagsak na agad. ang mga oposisyon, na hindi naniniwala sa mga prinsipyo ng kaliwa at kanan. sige, kaya niyo ibagsak ang nakaupo ngayon. pero ano pagkatapos? ano gagawin? sino susundin? dito papasok yung foresight na sinasabi ko. kung kapakanan talaga ng bansa ang iniisip mo, makikita mo ang epekto ng bawat galaw mo sa bawat aspeto ng bawat buhay ng pilipino. at iingatan mo ito. ito nga ang nangyari sa people power 1, sama sama nating ibinagsak ang diktadurya. pero hindi tayo makabangon dahil nag-awayaway ulit lahat kung papaano babangon. simula ng mapabagsak si marcos, wala nang sinuportahang pangulo ang kaliwa. puro ‘pabagsakin ang rehimeng US-x’ where x is the current president. sigurado, ganito ulit ang mangyayari pagkatapos. dahil ito din ang nangyari pagkatapos ni erap. paulit ulit na lang. pag naulit pa ito, mukha na talaga tayong tanga.
isa pa, ang tatay ko ay isa sa mga pinaka-kaliwang tao nung panahon nya sa up. KM yun e. at namundok siya at nakulong noong martial rule. siya ang nagturo sa akin ng prinsipyo ng kaliwa at kung bakit hindi ito gagana sa lipunan natin. natutunan niya yon sa mahirap na paraan. maganda ang explanation niya sa mga yun. convinced ako. bukod dun, pasok siya sa sinasabi ko sa sinulat ko na scientific thought. panuorin mo ang mga sinasabi ni jose ‘peping’ cojuangco sa anc, ang mga sinasabi ng tatay ko sa interviews niya. ang mga pasya ng economic team ng palasyo. ang mga prinsipyo ni gen. senga at gen. allaga. ang mga prinsipyo ni bayani fernando. ang mga prinsipyo ni dick gordon. pati ng dean ng engineering ngayon na si dr. guevara at ang sts prof ko na si dr. arcilla. ganun din ang naiisip ko. sila ang mga tinitingala kong mga tao at mga pinagkakatiwalaan ko ng kinabukasan ng bansa. ang tatay ko ngayon ay sa gobyerno nagtatrabaho. kasama siya sa nagbibigay direksyon sa pilipinas. pag nagpapakwento ako kung ano na ang mangyayari sa pilipinas, ang ganda ng plano nila. papalaguin ang kalakalan. para maka-generate ng yaman ang bansa, at matuto tayong pangalagaan ito. nagkakabunga na ito. unti-unti. at nadidismaya ako tuwing sasabihin na wala nanamang nangyari dahil hinarang ng mga kaliwa. tapos na ang bagong charter. pero mukhang wala daw mangyayari dahil kahit na puro mga dalubhasa sa kanikanilang larangan ang mga nagsulat nito, (kasama ang tatay ko) pilit hinaharangan ang pagpapatupad nito dahil sa mga maliliit na posibilidad!
And don’t tell me to stop blabbering for once and try to see the society from their point of view. im offended. i never blabbered. ngayon lang. in fact i can say the same with the Left. To stop blabbering for once and try to look at the achievements of the government in business and infrastracture. hindi yung parang batang nagaalboroto sa kalye, hindi nakakatulong. parang may nanay at tatay na hindi makatrabaho dahil nagwawala ang anak. yung tipong pag bubuhatin mo yung bata ay pilit magpapabagsak paupo sa sahig.
ang sinasabi ng kaliwa ay payamanin ang mahihirap. oo kasama ito sa plano. dahil pag maraming mahihirap. walang lugar para magtayo ng business dito. walang buying power ang mga tao. siyempre ang gusto ng business leaders ay may pera na umiikot sa bansa. from high school economics, ito ang nagpapataas sa halaga ng pera. at ito ang bumubuhay sa kultura ng kapitalismo. kaya kasama dito ang bigyan ng oportunidad na magkapera ang mahihirap. kasama ito sa plano ng gobyerno.
im not the biggest fan of gloria myself pero siya yung nakaupo e. she’s a given in the math problem. and i believe she’s the best choice, or least evil of them all. and of course, who would want a state of emergency? ayoko din. ayoko din ng warrantless arrests, repression ng media. pero ika nga ni miriam defensor sa interview niya sa anc, yung desisyon na yun ay batay sa mga pagaaral ng hindi iisa kundi maraming dalubhasa sa gobyerno at may karapatan tayong pagkatiwalaan yun at kwestyunin. at ako, gagalangin ko muna ito bago magreklamo. nakakainis nga na yung coup attempt ay naplano pa kasabay ng relief operations sa leyte. sino ang insensitive ngayon? ito rin naman ang dahilan ng pagdeklara ng 1017 e. at ilang araw lang naman ito. sige, hihintayin ko yung ilang araw na yun. sana tumahimik na muna lahat para makausad na ulit ang bansa.
ang sinasabi ko ay galangin natin ang sistema. maging vigilant tayo na mapagana ng maayos ang sistema at hindi lang piliting ibagsak ito. may justice system tayo. dun natin dalhin ang mga human rights violations. magtiwala tayo sa desisyon na bigyan ng pera ang afp dahil nakakaawa ang lagay ng afp. tayo ang pinakamahinang hukbong sandatahan sa asya ngayon. ang komersyalisasyon ang solusyon sa kakulangan ng pera. teka, ganito, una, harapin mo ang katotohanang kulang ang pera natin. given yun. maraming problema ang bansa, pinagaralan nila kung paano hahatiin ang pera para makakuha ng most ideal na returns na hindi lang necessarily financial. siyempre gusto ng bawat sektor na sila ang pagtuunan ng pansin. andun na ang afp modernization. ang budget cut at sb2587 ay mga magagandang solusyon sa pag-generate ng pera ng unibersidad. pinaka magandang example niyan ay ang building namin. magaganda ang facilities namin dito. at nagawa agad ang building. bakit? dahil ginamitan namin ng engineering design ang pagkalap ng pera. hindi kami umasa sa gobyerno dahil alam naming marami silang iba pang iniisip. umayon kami sa solusyon ng gobyerno at ang mga parameter na ito ang ipinasok namin sa equation. naayos namin. saan ka nakarinig ng isang sektor ng gobyerno na gustong angkinin ang lahat ng pera ng gobyerno? hindi lang tayo ang sektor na nangangailangan nito. at sa sektor natin, public education and state universities, up ang may pinakamalaking cut sa budget. ang ibang kaawa-awang state universities ay wala halos nakukuha. ang UP maraming lupang hindi ginagamit. yung ibang state universities wala. may sapat tayong resources para mag-generate ng sarili nating pera. yung ibang state universities wala. the solution is so obvious, even a grade schooler can solve it. sa kabila nito, ang kapal ng mukha nating magdemand ng mas malaking budget at tumangging ipagamit ang mga lupa nating nakatiwangwang. paano mo rerespetuhin ang organisasyong ganun mag-isip? parang spoiled brat tayong mga taga-UP.
alam mo pala, wag sanang sabihin na boses ng kabataan at boses ng UP ang mga sinisigaw ng STAND-UP. hindi sila ang mayorya sa UP. sigaw ng iilang studyante sa UP lang yun. naaalala kong pikon na pikon ako sa banner na nakahambalang sa vinsons noon na nakalagay, ’sigaw ng UP: patalsiking si gloria.’ mas marami sa UP ang bumubulong lang. at kapareho halos ng nakikita ko. hindi lang sila nagtetake ng time para isigaw ito dahil alam nilang hindi sila pakikinggan. o sisiraan lang sila tulad ng mga nagtangkang kumalaban sa partidong STAND-UP. sana wag angkinin ng STAND-UP ang UP. STAND-UP is NOT UP. and they have no right to represent us. mas malaki ang silent majority sa UP.
whew. pasensya ka na ang haba ng reply ko. minsan lang naman ako magsabi ng naiisip ko. sana naging malinaw ang stand ko sa yo at sana respetuhin mo ito tulad ng pagrespeto ko sa stand mo. tandaan mo na kung hindi ko ito nirespeto ay hindi ko lang ito pinansin tulad ng ginagawa ng karamihan sa gobyerno na binabaliwala ang mga ginagawa ng kaliwa, hindi lang pinapansin. im taking time to react to your ideas and the ideas of the left. most people in UP wouldn’t care or listen to your cries. tulad ng marami kong kaibigang kapareho ko mag-isip.
let’s do this the greek way and debate about it like true intellectuals. magkaibigan naman tayo di ba? walang personalan to. maaaring harsh ang mga salita ko. pero ang tinutukoy ko ay ang pilisopiya at hindi ang pagkatao. salamat sa pag-reply sa akin. pareho naman tayo ng gustong makita, ang umayos ang bansa natin. magkakampi tayo sa hangaring iyon.
March 1st, 2006 at 7:04 am
My main reason right now for Not being Leftist is: I want to help the government work for everybody’s welfare.
Instead of going against the system, I would want to find ways and means to improve it. While it is intellectually stimulating to discuss what type of government Really suits the Philippines…I choose to work with what we have. Because I think that what we have, democracy, is a good thing. And it will benefit a greater part of the population if we cooperate.
I’m sorry but I think it is a waste of manpower to go into the mountains and take up arms for a cause that would most probably Not prosper given that well, you would not even know where to get your basic needs. And to fight, one should like, survive first right.
I don’t know, but does being “Leftist” require an overwhelming vehemence towards the government that it becomes like, Impossible to work with it? (warning: rhetorical question.)
It would be absurd for everybody to agree yes, but there is such a thing as Compromise.
March 1st, 2006 at 11:17 pm
=====tatlong dekada na ang mga prinsipyo ng kaliwa, at laos na yun. hindi na siya babagay sa lipunan at kultura ngayon. yun nga ang sinasabi ko sa sinulat ko e. maraming nag-aral ng lipunan natin at nagisip ng makabagong mga solusyon sa mga problema natin. mga solusyon tulad ng constitutional amendment, privatization ng mga gov’t firms, capitalismo, globalisasyon. ito ang proposed solution ng maraming tao na involved sa mga industriya at business. dito nanggagaling ang pera ng bansa natin!
—> Tatlong dekada na (apat pa nga eh) pero wala pa ring pinagbago ang gobyerno. Kung sa sinasabi mong pare-pareho ang mga sinasabi ng tibak at ganito na lang lagi, naisip mo na ba na marahil, sa labas ng Maynila, sa mga kanayunan (na hindi pa naaabot ng teknolohiya –- na ginagawang batayan ng iba para sabihing nasa yugto na tayo ng kapitalismo –- o ng kuryente man lang, at kung saan tatlong araw delayed ang pagdating ng mga dyaryo), wala pa rin talagang pagbabago? Apat na dekadang wala pa ring pagbabago! At hindi pa rin natututo ang gobyerno! What else do you expect from gloria? Wala naman din s’yang ipinagkaiba kay Marcos. Mas malala pa nga kung kaso ng human rights violations, pangungurakot at pagpapatupad ng mga absurdong batas ang pag-uusapan. Kahit itanong mo pa sa Commission on Human Rights, mas marami pang kaso ng human rights violations ang administrasyon ni Gloria kesa sa mga pinagsama-samang kaso ng HR violation ng CPP-NDF. Exagg siguro ‘to, pero you might want to ask the CHR on these facts. Sa buong limang taong pamumuno ni Gloria, mahigit sampung beses pa yata ang dami ng mga kasong inihapag sa kanya kesa sa ibang mga naging pangulo ng bansa na hanggang ngayon ay hindi pa rin nareresolba. Nasaan ang sinasabi mong tamang proseso ng hustisya? Maniniwala ka pa ba sa ganyang klase ng gobyerno at sistema? Hindi na nga nakakatulong, nanggugulo pa. Walang habas pang nananapak sa mga karapatang-pantao ng mamamayan n’ya. ‘Yan ba ang sinasabi n’yong magaling na lider at lesser evil? Diktador at tiranikal, oo. Pero magaling? Magaling manloko at kumapit sa kapangyarihan, pwede pa!
Sa tingin ko, hindi pa laos ang mga prinsipyo ng kaliwa (shempre, depende pa rin sa sinasabi mong kung kaninong grupo ng kaliwa –- nand’yan ang mga rejectionists na nagsasabing ang Pilipinas ay nasa yugto na ng kapitalismo, at nand’yan din ang mga reaffirmists na nagsasabing mala-kolonyal at mala-pyudal pa rin ang uri ng lipunan natin). Sabihin na nating naniniwala ako sa mga prinsipyo ng mga reaffirmists. Simply put, mala-kolonyal dahil hindi man ang mga dayuhang tulad ng US mismo ang nagpapatakbo ng gobyerno, kitang-kita pa rin ang impluwensya nila sa pagpapatakbo sa lahat ng aspeto (politikal, ekonomikal, kultural, etc). Mala-pyudal naman dahil bagamat nakabatay pa rin ang malaking bahagi ng ekonomya sa agrikultura, nakatuon pa rin ito sa pag-eexport ng mga produkto at hindi sa pagpapalago nito bilang pambansang industriya. Kaya naman import-dependent at export-oriented tayo. Sa atin nanggagaling ang mga produkto pero pagbalik sa atin, mahal na ang mga ito. At ‘yan ang sinasabi kong hindi masolu-solusyonan ng gobyerno. Four decades, but the government hasn’t done anything about it. Kaya bang gawin ni Gloria na tanggalin ‘yan? Takot lang n’yang tanggalan s’ya ng suporta ng US at mawala s’ya sa pwesto! Shempre, hindi n’ya kayang gawin ‘yun. Sukdulan ka ba naman ng manhid at garapal eh! Kaya naman, we’re stuck with this kind of system (except maybe in parts of the country where democracy is really practiced by the people. At oo, meron na po kaya naman naniniwala akong hindi imposible na palitan ang sistemang meron tayo ngayon at mapalitan ng hinahangad nating TUNAY na DEMOKRASYA.)
Ang mga sinasabi mong solusyon na tulad ng globalisasyon, kapitalismo, pribatisasyon ng mga gov’t firms at constitutional amendment ay maaaring panandalian lamang. Pero nasaan ang long-term solution? Hindi ko sinasabing masama ang globalisasyon per se at pati na ang kapitalismo. Kahit naman si Marx, naniniwala sa kahalagahan ng kapitalismo. Pero hindi pa handa ang bansa sa mga ganitong bagay. Palaguin muna ang mga pambansang industriya atsaka natin isabak sa pandaigdigang kalakal. But then again, can Gloria do that? Or has she even entertained the thought? Hindi siguro. Kasi nga, galing ito sa mga maka-kaliwa. Di nga ba’t pinapahuli n’ya ang mga pula at tinuturing na kaaway ng estado? Kaya nga ipinatupad ang PP 1017 eh. At isa pa, syempre, may pinoprotektahan s’yang interes –- at sa palagay ko at sa nakikita ko, hindi ito ang interes ng nakararaming mamamayan kundi pansarili at para sa pakikipagsabwatan sa impeng US. Sa loob ng limang taon, ang tanging nakita ko kay Gloria ay ang kagustuhang manatili sa pwesto at gumawa pa ng mas kahindik-hindik na mga bagay para mapasakanya pa rin ang kapangyarihan. Sukdulan talaga! Grabe! Gagawin talaga ang lahat!
=====ano ang sinasabi ng kaliwa dito? kung saan ilang bahagi ng kaliwa ay nakatira sa bundok ng ilang taon na? ano ang alam nila sa kalagayan ng ekonomiya, in particular, ang big picture o macroeconomic point of view.
—> Paano mo naman nalamang wala silang alam tungkol sa usaping ganito? For all we know, kahit nasa bundok sila, nag-aaral din sila kahit may kakulangan sa mga kagamitan. Basta’t may tao, may guro at mga estudyante, kahit gaano ka pa katanda basta’t willing na matuto, walang imposible. Baket? Porke ba taga-UP tayo, tayo lang ang pwedeng makaalam ng mga ito? Porke ba ekonomista si Gloria, s’ya lang ang may karapatang magsalita tungkol sa ekonomiya? Like, duh. Kung umaasa ka lang sa mga sinasabi at mga kinekwento ng tatay mo tungkol sa mga naging karanasan n’ya noon, sa palagay ko, hindi mo talaga maiintindihan ang mga punto ko.
=====sinasabi ninyo na ito ay magreresulta sa pangaabuso, pangiisa, para sa kapakanan ng mga kakaunting makasarili, ng mga corrupt na pulitiko.
—> Hindi pa nga ba’t nangyayari na? Andyan na nga’t tinutuka na tayo ng ebidensya. Tagos pa nga hanggang buto, nanunuot pa sa kalamnan.
March 4th, 2006 at 11:42 pm
=====ang komersyalisasyon ang solusyon sa kakulangan ng pera. teka, ganito, una, harapin mo ang katotohanang kulang ang pera natin. given yun. maraming problema ang bansa, pinagaralan nila kung paano hahatiin ang pera para makakuha ng most ideal na returns na hindi lang necessarily financial.
—-> “una, harapin mo ang katotohanang kulang ang pera natin.” I think I have made my point on this one. E bakit nga ba naman tayo kakapusin? Unang-una, mismanagement ang problema (e.i. none other than corruption… self-explanatory na ‘yan). Pangalawa, napakalaki ng deficit natin taon-taon (na nagsimula sa $147.1 Million noon 1955 hanggang sa tumaas sa $7 BILLION nung 1994… imagine mo pa ngayon, baka gusto mong tanungin ang tatay mo. I doubt na lumiliit ‘yan dahil bawat taon, palaki pa nang palaki ang interes sa mga inuutang natin). Kaya ganon kasi laging mas malaki ang ginagastos natin sa import kaysa kinikita sa export. Eto ‘yung sinasabi kong “import-dependent, export-oriented.” Bumibili sa atin ng mga raw materials ang ibang bansa sa murang halaga (export) pero pagbalik sa atin, mahal na ang bentahan (import). Nagkakaron ng deficit. Hindi tumutugma ang gastos sa kinikita.
Ganito ‘yan eh, kunyari ikaw ang supplier ko ng, let’s say, rubber, wires (copper ba o kung anuman ang ginagamit?), etc para makagawa ng mga telephone lines. Kunyari, binenta mo sa ‘kin ng PhP100.00 lang yung mga materyales mo. Ako ang magma-manufacture. Pag nagawa ko na, ibebenta ko sa ‘yo ang mga kordon sa halagang $10.00 (syempre, stateside ako eh!) kasama na d’yan ang labor + cost of materials + todo-todong surplus o super tubo (o, hs economics ‘yan). Ikumpara mo ang $10.00 (x PhP52.00 = PhP520.00) na ginasta mo sa kinita mong PhP100.00 lang. E ‘di shempre, uutang ka ngayon para mabili ‘yung kordon kasi wala kang ibang mapagbibilhan (ako lang ang may kakayahang mag-manufacture eh). Umutang ka kunyari kay Lynn ng PhP420.00, ‘pag hindi mo nabayaran in 1 week, may interes na 50% (so PhP630.00 na). E kunyari sa isang linggo, x3 lang ang kaya mong i-produce na materyales. Ibebenta mo ulit sa akin sa halagang PhP100.00. E di may PhP300 ka na. Pa’no mo ngayon mababayaran si Lynn e naka-isang linggo ka na, kulang ka pa rin PhP330.00? Either mangungutang ka na naman sa iba o magpo-produce ka ng mas marami kesa sa nauna. But to do the latter, kailangan mo ng mga tao dahil ‘di mo naman kaya mag-isa. So magha-hire ka. E ‘di magpapasweldo ka pa. E wala ka pa ngang pambayad sa utang mo. So ang nangyayari, utang ka ng utang hanggang sa magkapatong-patong na! ‘Ala ka na ngang kita, may utang ka pa. Pagod-pagod ka pa. Imagine mo ‘yang figures na ‘yan in a macroeconomic scale. Ganun kalaki ang deficit natin na nadaragdagan pa taon-taon. At sa ngayon, ang utang ng bawat Pilipino (meaning ikaw at ako) ay mahigit P60,000 na. Imagine, hindi mo namamalayan, may utang ka na pala na ganyan kalaki? Ang masaklap, hindi naman tayo ang gumawa ng utang na ‘yan pero tayo ang nagbabayad.
Tapos, ‘di pa dun nagtatapos. Dagdag mo pa ang mga polisiyang tulad ng GATT-WTO na nag-e-exempt ng mga dayuhan (again, tulad ng US) sa pagbabayad ng tariff pag nag-e-export sila ng mga goods dito sa Pinas o kaya ‘pag nagtayo sila dito ng negosyo (I had a first-hand experience with this when I had my first job. Foreigner ang may-ari ng kompanya at according to our manager, hindi nagbabayad ng tax ang may-ari). Imagine, mahal na nga ang benta nila sa atin ng mga manufactured goods nila, hindi pa sila nagbabayad ng tariff! At syempre, dagdag pa dun, umuutang pa sila sa mga bangko natin para mas mapalawak pa ang mga negosyo nila dito. Just to give you an idea, sa bawat dolyar ($1) na pinapasok ng mga negosyanteng Kano, umuutang naman sila mula sa mga local banks natin ng $8.33 (galing na ‘yang figures na ‘yan sa Central Bank of the Phils). Tapos, sinasabi ng gobyerno, pinagbibigyan ito to maintain “good foreign relations” with the US of A?!?!? Pakingshet na “good foreign relationship” yan!!! Sinong hindi magagalit sa ganyang klase ng mga patakaran na “mutual” daw kuno?!?!? You think we can pay all these debts just by kissing their fucking assholes??? Pasensya with the foul language pero I’m not one to just disregard all these in a snap.
Let me recount an anecdote. When I was head of CFA SC, we initially tried to hire someone from outside the council to do marketing for the FA week. But it came to a point when the supposedly “marketing arm” wasn’t doing it’s job as the “marketing arm” and we weren’t seeing any progress at all (not doing its part in the division of labor, eh?). Tapos, she demands 40% from the sponsorships that we could get. Eh wala pa ngang kita, when supposedly, she was the one in charge of following up the sponsors. I told her: We hired you, show us results, then you get your share. No sponsors, no share. Ganun ang napag-usapan from the start. Eventually, she was the one who backed out dahil wala rin naman s’yang maipakitang resulta. Hindi ko rin naman s’ya binalak na habulin kahit na namomroblema na ‘yung event head namin kung papano makakakuha ng sponsors. And that was a few weeks before FA week. Case in hand, we tried to work with the available money the council had at that time (galante pa nu’n magbigay ang OICA at may natitira pa naman kami from the student funds). ‘Yun ang pinaikot naming pera without any help from sponsors. I must say, mahirap. Pero kinaya. All activities during the whole week were well attended and I’m proud to say na sold out ang tickets for the last night of FA week at umaapaw pa ang FA grounds with students, alumni and even people from other schools (take note, may mga dumarating pa kahit ubos na ang tickets), considering na kasabay nito ang UP Fair. We may not have that much money to start with but we managed to push through with the FA week and earn (even if it’s just a small amount) to serve as initial funds for the next council. I guess you get the drift. It’s. All. About. Management. And of course, knowing when to cut off your ties with dubious, and I must say, devious, characters. Obviously, Gloria doesn’t have the skills and guts to do both.
If the College of Fine Arts Student Council (a student government at that) is but a microcosm of the Philippine government, I’m sure Gloria can do the same (in matters as crucial as finance and delegation of tasks). But stubborn and callous as she is, I bet she won’t. Again, obviously, she can’t let go of her ties with the yu-es-op-ey. Kaya nga tuta eh. And I guess, no reactionary government ever could. So ganun, let’s just get stuck with this system forever and ever.
Ay hindi, kayo nga lang pala. Kasi, may nakita na nga pala akong mas maganda. And that’s what I’m trying to fight for dahil alam kong mas may kwenta. &;p
=====And don’t tell me to stop blabbering for once and try to see the society from their point of view. im offended. i never blabbered. ngayon lang. in fact i can say the same with the Left. To stop blabbering for once and try to look at the achievements of the government in business and infrastracture. hindi yung parang batang nagaalboroto sa kalye, hindi nakakatulong. parang may nanay at tatay na hindi makatrabaho dahil nagwawala ang anak. yung tipong pag bubuhatin mo yung bata ay pilit magpapabagsak paupo sa sahig.
—–> Not only am I offended. I am insulted. You may or may not consider me as leftist, but speaking as a citizen, I have been working my way around for the past year to earn for a living. Hindi na ako umaasa sa nanay ko para sa pang-araw-araw na panggastos ko. Lalong hindi ako nangungurakot para lang magkapera. Tuwing sweldo, makikita mo ‘yung payslip mo, ang laki-laki ng kinakaltas na tax. ‘Di pa nakuntento, ‘pag bibili ka ng grocery at iba pang bilihin, makikita mo sa resibo: 12% VAT. O kaya, ‘pag magbabayad ka ng kuryente at tubig, meron pang mga PPA chuva-chuva at mga karagdagang fees na hindi mo mawari kung ano nga ba ang silbi. And it’s only coming from me who works in an office and under somehow/somewhat good working conditions. What more ‘yung mga magsasaka at mga manggagawang nagbabanat ng buto sa mga hacie-hacienda at mga factories na tulad ng Hacienda Luisita na ang kinikita lang sa isang linggo e P9.50, habang ‘yung mga amo nila e nagpapakasasa at nagpapakalunod sa limpak-limpak na pera? Habang ‘yung mga lider ng bansa nila, milyon-milyon kung magwaldas ng pondo?!? For business and infrastructures??? Again, para sa kaninong interes? Para sa atin ba talaga o para mas mapabilis ang transportasyon at kita ng kalakalang sila-sila lang rin at ang mga kasabwat lang din naman nila ang nakikinabang? DEMOCRACY, huh? Sana mapanood mo ang “Syriana” at pagnilay-nilayan ang sinabi ng isa sa mga karakter na si Prince Nasir. Ang gusto lang naman n’ya e ang makapagpatayo ng mga imprastraktura para sa mga tao n’ya nang walang pakikialam na manggagaling mula sa US, pero dahil sa ganitong hangarin n’ya, binansagan na s’yang terorista/komunista. Tingnan mo na lang kung ano kinahantungan ng istorya at kung makatao nga ba itong maituturing.
Maaaring ako ’yung batang sinasabi mo na nag-aalboroto sa kalye. Pero ’yang gobyerno mo, parang ’yung mga magulang na pagkatapos mong abutan ng pinaghirapan mong kitain na pera, pupunta na dun sa may kanto at makikipag-tongits o kaya naman makikipag-lasingan na. Hindi kaya mas masakit ’yun at mas kahiya-hiya??? ’Di bale na nga lang sigurong magpabagsak ako sa sahig at magpa-ampon sa iba kesa magkaro’n ng mga ganung klase ng mga magulang.
October 6th, 2006 at 7:18 am
OMG DAMI words…. im not a left im not a right im not a centrist but according to this test i forget where, I am near the center but towards the left. in other words I like being moderate in things but greediness is not my kinda thing but social welfare is more of what makes me happy. less consumerism, more sharing, but yes I like to be able to decide what kind of burger I want to eat.