don’t you just hate reruns?

don’t you just hate reruns? another people power?? how passe. the emergency rule is so far from being martial rule yet, people react as if they’re heads are being hunted down already! martial law is so 80s. people power is so 80s. this is 2006. tama na drama, nagpapaka-cool na lang kayo by going against things.

c’mon filipinos, grow up! why are these people stuck in the past? bawat galaw bibigyan niyo ng kahulugang masama. bawat kalabit, bawat kataga, masama. bawat mali, kahangalan na.. takte. umaayos na ang ekonomiya, wawasakin niyo pa. nag-protesta si querubin sa pag-relieve sa commender nila. datingan ang mga lider para sumigaw na bumaba si gma. it doesn’t make sense. ibang issue. sabi nga ni gen. senga: "Please help us resolve this matter peacefully by leaving us alone… …Let’s
not blow up the situation… Don’t go [to Fort Bonifacio], it will
compound the situation… The situation is being exploited, making it
worse," ang linaw. internal matter. nagpapapansin pa mga tao. binabahiran ng pulitika. nabalitaan ko, may kumanta pa ng ‘bayan ko’ sa harap ng mga marines. nakakasuka! wag niyo na ipilit ang ’spirit of edsa’ iba yun. please, masyado kong nirerespeto ang edsa revolution para gawing novelty tradition tulad ng ginagawa ngayon. nakakasuka talaga.

what’s your proposed solution to our problems? screw things up even more?  march on to the streets claiming it’s your right? how selfish. you’re being dispersed because you’re violating the right of motorists to drive on national streets. that simple. it’s a basic human right, right? remember, democracy means being free without stepping on the freedom of others. i have the right to drive on edsa. so get out of the friggin way. no political shit there. just exercising my plain human right. o, ikagagalit niyo ba yung sinabi ko? siyempre, apathetic, insensitive, makasarili ba ang dating ko sa inyo? well, i can say the same for you people on the streets regarding my cause.

kung bakit hindi umaayos ang bansa natin ay hindi na dahil sa pamahalaan. dahil na sa tao. pwede tayong people power ng people power pero hindi tayo uusad dahil reset ng reset ang sistema. hindi nagdedevelop. walang long term plan na naisasagawa, at naggampanan ng maayos. wala na ang kultura ng pagunlad. kultura na lang ng pagwasak.

actually meron pang kultura. ang kulturang wowowee.. kulturang gusto, pagupo ng pangulo, ayos na lahat. yayaman agad lahat ng mahirap. tataas piso, bababa gas. tataas sahod. lahat gusto biglaan ganun. hindi ganun yun e. matagal makabawi sa pagkalugmok! dekada ang inaabot! bumabangon pa nga lang tayo mula sa epekto ng martial law.. gugulo nanaman.. wala rin lahat ng naipundar na pagbabago. tumataas na sana ang piso. bababa na sana ang gas ng 3 piso. pinopromote ang negosyo. dahil sa teorya ng pagturo mangisda imbis na bigyan ng isda. ika nga ng tatay ko, in order to alleviate poverty, we need to instill a culture that’s capable of creating wealth, and has the ability to sustain it. (hindi direct quote yun, from memory lang, fyi) o di ba? real solutions to real problems. instead of the cinematic shouting, overly dramatic images of poor children. tapos slogan sa ibaba, ‘end poverty.’ uh, yeah, but how? don’t get me wrong, im wearing the white anti-poverty band. pero this is a small step. awareness. it takes real governing to solve the issue. hindi yung ibabagsak mo lahat dahil hindi ka pa rin yumayaman hanggang ngayon. ibabagsak lahat dahil maraming gutom. nasaan ang lohika dun? walang koneksyon. pero hinde, lahat kasalanan ng gobyerno agad. hindi nga gobyerno e. yung presidente agad! aba, di niyo ata naiintindihan ang division of labor sa democratic government! tignan niyo sarili niyo.

Clearly, we’re not mature enough to handle sacred things like a democracy. we tend to abuse it. kung paano abusuhin ng mga pilipino ang mga ‘free taste’ sa mall, libreng kumot at twalya sa hotel, free entrance sa concert. pareho. nasa kultura natin talaga kung bakit tayo ganito.

at yun pa, wala tayong foresight sa kung ano ang magiging resulta ng mga kagagawan natin. ano pagkatapos mapatalsik si GMA? ganun ulit, away.. gulo.. sugod tayo ng sugod di alam kung ano kahihinatnan. parang taxing sasaksak sa intersection na may dalawa nang nakasaksak. lalong nagkakakabuhol. nagkakatutukan yung tatlong kotse at walang makagalaw. ang tanga di ba? lahat ng maliliit na kalabuan ng pilipino ay maaaring magsilbing metaporikal na representasyon ng kabuuang ugali ng lipunan. hindi ko alam kung may teorya na ganito sa sosyolohiya pero mukhang tama naman.

kung ako ang tatanungin, edukasyon talaga ang pinaka dapat tutukan e. kailangan baguhin ang kultura nating nabubulok at lasing sa kapangyarihan ng malayang mamamayan. turuan ng responsibilidad, sa bansa at sa ibang tao. turuan ng respeto, sa gobyerno at sa sarili. turuan ng siyensiya at matematika, para magka-foresight, magkaron ng realistic thought na hindi utopian, at hindi tatanga-tanga at marunong magbilang. turuan ng tiwala. tiwala sa kapwa pilipino at sa nakararami(majority).

condemn anarchical thought! think realistically and practically!(<–sloganeering. nakikiuso.)

(lahat ng sinasabi ko ay nagsimula sa metapora ng pagiisip ng isang inhinyero para sagutin isang engineering problem, ang siyensya ang nagmulat sa mata ko kung
paano magisip ng makabuluhan. naalala ko sabi ng propesor ko sa quantum physics. physics is the only real philosophy. lahat iba ay puro walang kabuluhang dada at satsat. tama siya, kung ituturing mong model ang mga bagay sa physics para sa mga tao, parepareho lang din. kaya ganun na lang ang emphasis ko sa pagpalaganap ng scientific thought. halimbawa, sa mga problema ng bansa, tulad ng isang mathematics problem, DON’T CHANGE THE GIVEN. work your way around it to achieve your goal. parang sa bansa natin. the system and the government is a given. respect it, and try not to change it. solve the problem given those complexities. hindi yung "ma’am mali given, palitan natin." kaya siguro yung mga nagrarally ngayon mga nagsibagsak yan sa math noon. haha joke lang. isa pang halimbawa. sa engineering design: ito ang steps: have an ideal model to the problem and have the solution. now, understand that the ideal result is unattainable in the reality. factor in the non-idealities one by one and make necessary adjustments to the solution to achieve a result that is nearest the ideal. the most important part of the philosophy is to understand that the ideal is impossible. this thinking automatically disproves socialist theories. pero kahit yung mga maririnig mo sa tabi tabi tulad ng: "ay dapat kasi ganito lahat ng tao para maayos", at karamihan ng mga proposed solutions ng mga maiingay na lider ng kung anu-ano sa bansa natin.)

14 Responses to “don’t you just hate reruns?”

  1. Jonna Says:

    Marcos 1081:

    NOW, THEREFORE, I …do hereby command the armed
    forces of the Philippines to maintain law and order
    throughout the Philippines, prevent or suppress all
    forms of lawless violence as well as any act of
    insurrection or rebellion and to enforce obedience to
    all the laws and decrees, orders and regulations
    promulgated by me personally or upon my direction.

    GMA 1017:

    NOW, THEREFORE, I ….do hereby command the Armed
    Forces of the Philippines to maintain law and order
    throughout the Philippines, prevent or suppress all
    forms of lawless violence as well any act of
    insurrection or rebellion and to enforce obedience to
    all the laws and to all decrees, orders and
    regulations promulgated by me personally or upon my
    direction

    Tsk tsk tsk… and you won’t call that Martial Law? How insensitive if you can’t point out the similarities.

  2. Jonna Says:

    At paano mo pa rerespetuhin ang gobyernong marami nang kaso ng human rights violation? Na hindi nga kinikilala ang edukasyon ng mamamayan bilang pangunahing pangangalilangan? na ibinubuhos ang lakas at rekurso sa militarisasyon at komersyalisasyon?

    Pasensya rin, nagra-rally ako pero hindi ako bumagsak sa math ko noon. At lalong hindi ako delayed. &;p

  3. Jonna Says:

    Hmm… sensha na ang dami kong comments ha. Pero pansin ko lang, mukhang galit na galit ka sa mga tibak. But let me ask: did you try, even once, to look into their sentiments and analyze (really) the situation? If I were you, I’d stop blabbering for once and try to see the society from their point of view at kung bakit ganun ang mga sentimiyento nila. Inuuna mo kasi yata ang galit. Nabara ka kasi siguro ng isang prof na tibak noh o kaya baka naman nasopla ka ng isang estudyanteng tibak? Oh well, whatever the reason, sana lang, ‘wag maging sarado ang mga isipan. And try to live with the masses para hindi ka rin dada nang dada at nang hindi sila ang sinisisi mo. Oh well, suggestion lang naman po ‘yon. But then again, that is “If I were you”. Internal pa rin ang mapagpasya. Gudlak! &;p

  4. Jesus Says:

    Joanna… the masses may not nessesarily be right either. “The Masses” in germany during the 2nd world war thought that The 1st world war had did them wrong and bought Hitlers propaganda. They were the masses. We think now that, that desicion by “the masses” was incorrect.

    Referring now to the original journal entry…As for the Martial rule scare… i have to admit i’m quite paranoid myself. I went through it and saw an uncle being taken away and striped of his dignity.

    All other points of the journal entry i see as very reasonable. We have forgoten discipline… consideration… dignity and respect.

    Sus

  5. m i m a i Says:

    I went and voted for GMA in 2004, but I agree with the editorial the Inquirer came out with this morning–”The truth is: It is Proclamation 1017 itself which has recklessly magnified the threat to the Republic.” The coup (or “planned withdrawal of support,” depending on who’s talking) was thwarted, so they said. Why couldn’t they leave it at that? Why resort to rounding up opposition lawmakers and outspoken professors? The Oakwood mutiny came and went without GMA declaring a state of emergency. From what I’ve read in history books and other sources, Cory didn’t get her panties into an administrative knot over the 1989 coup, either. The government should calm down if it wants the people and the media to follow suit. But I’m not seeing any of the sort. What I’m seeing is a government just waiting for a reason to strike.

  6. aLaY Says:

    i don’t like a state of emergency as well. but i don’t want it further magnified as another martial law. and for the ‘enemies of the state’ to use this ‘as a reason to strike’ back. i don’t like seeing it being abused by wannabe heroes by doing the same antics of edsa1(the only edsa, i believe. after reading the inquirer special project on people power, walang sinabi yung edsa dos!). singing ‘bayan ko’ in front of soldiers? *puke* pilit na e. i feel the edsa spirit is being bastardized already. well siguro trauma na lang ito ng martial rule. pero its clear na hindi. and almost all people i whom i respect agree with the decision. or at least respect it. well, i haven’t read much about the tribune story so wala pa akong masabi about it. my first impression is, yeah, that’s a little bit over the line.

  7. aLaY Says:

    salamat sus!

    no matter how one would disagree to my thoughts on the Left, pp1017, and to my plain logic, we should be terrified of the fact that our values are degrading, along with our intelligence. we should act against this more serious threat to our society by doing our little part: strive to improve your own life. according to jean-jacques rosseau’s social contract theory, it’s every man for himself! eventually, everything will fall into place naturally. hahahaha tama ba yun? ewan, engineer ako, hindi philosopher. hahaha.. please correct me..

  8. Jonna Says:

    Ok sige, alay, let me answer your blog post point per point. Pasensya na dahil nasa office ako kanina at hindi ko masagot nang lubusan ang mga punto mo. As you can see, kumakayod din ako para sa sarili ko, sinusubukang kumita ng sapat para mabuhay. Atsaka ngayon ko lang din nabasa na nag-react ka na pala sa mga comments ko.

    Anyway, I won’t try to impress you because I know I’m not a smart-ass unlike maybe some of those whom you have talked to in the past. I will just give comments to the best of my knowledge and ability. if you’re still not convinced, i guess hindi ko na problema ‘yun. and yah, i know you’re trying to engage in an intellectual debate so sige, i’ll try to give you one.

    (shox, ang hirap nito. ‘Alang “bold” at “italics” sa comments kaya mejo pagpasensyahan na lang kung medyo malito sa kung ano ang post ni alay at kung ano ang comment ko.)

    ======c’mon filipinos, grow up! why are these people stuck in the past? bawat galaw bibigyan niyo ng kahulugang masama. bawat kalabit, bawat kataga, masama. bawat mali, kahangalan na.. takte. umaayos na ang ekonomiya, wawasakin niyo pa. nag-protesta si querubin sa pag-relieve sa commender nila. datingan ang mga lider para sumigaw na bumaba si gma. it doesn’t make sense. ibang issue. sabi nga ni gen. senga: “Please help us resolve this matter peacefully by leaving us alone… …Let’s not blow up the situation… Don’t go [to Fort Bonifacio], it will compound the situation… The situation is being exploited, making it worse,” ang linaw. internal matter. nagpapapansin pa mga tao. binabahiran ng pulitika. nabalitaan ko, may kumanta pa ng ‘bayan ko’ sa harap ng mga marines. nakakasuka! wag niyo na ipilit ang ’spirit of edsa’ iba yun. please, masyado kong nirerespeto ang edsa revolution para gawing novelty tradition tulad ng ginagawa ngayon. nakakasuka talaga.

    —> ditto. nakakasuka talaga ang pagkanta ng “bayan ko”. nakakasuka rin ang phil. marines dahil pinalaki pa nang sobra ang issue. kung internal ang problema, e di sana, hindi na nagpatawag ng mga pulitiko. sino ba kasi ang nagpatawag? hindi ba, si querubin din? kung nagbabalak pala sila ng kudeta, sana tinuloy-tuloy na lang. personally, i think it’s a wrong move for the marines to have sensationalized such a critical issue. nagmistulang oakwood lang, mga wala naman palang bayag para panindigan ang mga pinagsasabi. lahat tayo, nabulabog only to find out false alarm naman pala. tulad mo, i wished hindi na lang sana ginawang isang malaking drama. actually, nasa bahay lang ako buong araw kahapon only to follow the news. i anticipated somehow that it would turn out to be just a segue para lang din siguro ma-divert ang atensyon ng mga tao sa ibang balita other than the state of emergency. or maybe, conspiratorial ang moda. baka nangyari ito para mapahabaan pa ang pagpapatupad ng state of emergency. but then again, these are assumptions. i am not saying these are all true. pero who knows, there could have really been a reason behind all that’s happened. and we should never rule out the possibility.

    =====what’s your proposed solution to our problems? screw things up even more? march on to the streets claiming it’s your right? how selfish. you’re being dispersed because you’re violating the right of motorists to drive on national streets. that simple. it’s a basic human right, right? remember, democracy means being free without stepping on the freedom of others. i have the right to drive on edsa. so get out of the friggin way. no political shit there. just exercising my plain human right. o, ikagagalit niyo ba yung sinabi ko? siyempre, apathetic, insensitive, makasarili ba ang dating ko sa inyo? well, i can say the same for you people on the streets regarding my cause.

    —-> i think apathetic is not the proper term. dahil sa nakikita ko, hindi naman. to air sentiments like these is not apathetic in my view. misguided lang siguro. hilaw, maybe? but again, let me ask you: Have you EVER really tried getting out of your car and try spending time with these people? If not, I guess you are not in a position to judge them either dahil hindi mo naman din nararamdaman ‘yung nararamdaman nila. why they go out into the streets. why they spend time and endure the heat of the sun shouting their calls. again, why not see it their way? engaging in debates is totally different from experiencing first-hand. engaging in debates is but one of the essential components of acquiring knowledge. It is still “experience” that makes up half, or if not, much of the bulk. Theory + practice = Praxis. I’m sure you know how to do the math. Taga-eng’g ka di ba?

    =====kung bakit hindi umaayos ang bansa natin ay hindi na dahil sa pamahalaan. dahil na sa tao. pwede tayong people power ng people power pero hindi tayo uusad dahil reset ng reset ang sistema. hindi nagdedevelop. walang long term plan na naisasagawa, at naggampanan ng maayos. wala na ang kultura ng pagunlad. kultura na lang ng pagwasak.

    —–> we have been dealing with this setup for hundreds of years. simula pa lang sa mga kastila. pasalamat pa nga tayo dahil sa panahon natin, dalawa (o tatlo?)ng rebolusyon pa lang ang nangyayari. nung panahon ng Kastila, umabot sa tatlong daan at mahigit. pero bakit nga ba? kasi, hindi pa rin natin nakikita ang totoong demokrasya. ang totoong KALAYAAN. pare-pareho lang din ang nangyayari. napapalitan lang ang mukha ng mga nasa pwesto pero ganun pa rin ang sistema. given kamo ang sistema? i don’t think so. resulta lang ‘yan ng mahabang panahon na pagkakasailalim natin sa mga dayuhan at lokal na pwersa. kung hindi dumating ang mga kastila, ang mga hapon, ang mga kano, sa tingin mo ba, magiging ganito tayong sunud-sunuran lang sa kanila? admit it. foreign-dominated ang kultura natin. at ‘yun ang nakakalungkot. dahil nagiging gaya-gaya na lang tayo lagi. wala na tayong sariling identity. may maituturing ba tayong totoong Pinoy na kultura???

    =====ika nga ng tatay ko, in order to alleviate poverty, we need to instill a culture that’s capable of creating wealth, and has the ability to sustain it.

    —–> forgive me, but is alex magno your father? i had no idea not until you’ve mentioned in your other post na nagtatrabaho s’ya sa government (which i’ll try to answer later on or baka bukas dahil medyo mahaba-habang diskusyon na naman ‘yon… ika mo nga, hindi madadaan ang mga bagay-bagay sa isang bagsakan lang. dapat talaga, pinag-iisipan at pinag-aaralan. di ba?) but anyway, quite frankly, i don’t really care or mind the least bit who your father is, because i’m sure you won’t mind who mine is either. so it’s ok if you won’t answer my previous question.

    back to your post. “to alleviate poverty, we need to instill a culture that’s capable of creating wealth, and has the ability to sustain it.” and you think that’s possible with globalization? with free trade? with the neo-colonial liberal policies of the arroyo administration? E sa ngayon nga, wala tayong kahit isa man lang na maituturing na national industry eh. ultimo karayom, ini-import pa natin from china. tapos, papapasukin pa ng gobyerno ang mga malalaking kompanya galing sa mga malalaking imperyalistang bansang tulad ng US? paano pa mai-instill sa atin ang “culture that’s capable of creating wealth and has the ability to sustain it” kung sa simula pa lang e nilalamon na tayo ng mga kompanyang buwakaw? na may gana pang mangutang sa atin? fyi, nangungutang rin sa atin ang US. ‘di na nga sila nagbabayad ng tariff (again, dahil sa GATT-WTO), nagungutang pa sila at sa kanila pa napupunta ang super tubo. if you want figures, i’ll give you. baka masyado pang humaba ‘tong comment ko ‘pag nilagay ko dito.

    anyway, i-absorb mo na lang muna ‘yung sinabi ko. medyo mahaba-haba na yata ‘to. pwede bang ituloy ko bukas o kung kelan may panahon? may pasok pa kasi ako mamaya at may tatapusin pa ‘kong raket. pramis, itutuloy ko ang pagsagot sa mga punto mo. tantya ko, hindi pa ‘ko nangangalahati. hehe.

    oh well, sana, kahit pa’no, may nasagot ako. kung wala pa rin, just tell me. ask me and i’ll try to answer. and yah, walang away dito. i’m not here to contest but to present to you my points of view. kung sa tingin mo may mali, i stand to be corrected.

    salamat din sa pagbabasa. &;p

  9. aLaY Says:

    heehee.. wow sumasakit na ulo ko.. alas singko na kasi at nababangag na ako sa thesis ko..

    oo nga, bad trip din yun si querubin, nagtawag pa ng people power. takte. ok na sana siya e. i completely agree with your first point.

    and yeah, it doesn’t matter kung sino tatay ko. ang binabanggit ko lang naman ay yung mga natutunan ko sa kanya. ayoko din namang ma-identify bilang ‘my father’s son.’ i don’t necessarily share all my stands with him unless i really agree with it. so di ko na lang icoconfirm kung sino tatay ko. hahahaha.

    anyway, i’ll try to reply sa mga iba mong points. pero matutulog na muna ako bago ako abutan ng liwanag.. ahehehe gudmorning pilipins! ay takte di pa ko nakakapagsipilyo! o siya siya..

  10. Lynn Says:

    FYI, Proclamation 1017 is NOT unconstitutional on its face-meaning, if you read it plainly, you would not find any inconsistency with the Constitution.

    Even my professors who fully oppose its declaration say so…it’s just that the implementation went wrong in some respects because of the policemen who abused/are continuing to abuse the power authorized them.–> But I think this is a problem that could not be resolved in a snap. It involves a whole lot of factors which Education is first and foremost.

    Anyway, the timespan of a snap was what the President was allowed to Think of a Way to preserve the government in face of an imminent coup.

    I do not think that the State of Emergency was OA because hello, read the news and you could immediately see the number of opportunists licking their chops, anticipating the perfect opportunity to foil the government. And what better opportunity than the commemoration of EDSA 1? They start a tumult, PGMA would counter, and the paranoid people would react violently. As they did/do.

    What’s the deal with EDSA 1??? Surely it’s incredibly heroic to topple a dictator but did it ever occur to anybody that that was decades ago? It is a memory, a good one, but let us not be stuck in the past.

    For us who have not experienced it, for all we know it was just an ordinary rally wrapped by history in myth. Several old-timers have described it as “overrated”.

    Anyway, my ultimate concern is this. We have a good government that some people Obstinately just won’t acknowledge. It does not matter that PGMA is very qualified, that our economy is good, that the Philippines is on the way to recovery. People just want to make a career out of ousting presidents!!!

    To the activists who accuse people like me of not “stepping in their shoes”, did it ever occur to you guys that maybe You’re the close-minded ones because you’re so wrapped up in the romanticism of revolution that you fail to appreciate reality?

    You love your country you say and you fight for something better, but tell me, what is Better. So far, no Leftist has told me. That the present administration which is very much capable of governing us, is inadequate…but what government is not??? To remind all of us of the ultimate adage: Nothing/Nobody is perfect.

    Ok, if you deem the government “inadequate” then why don’t you fill in the gaps instead of destroying it altogether? That, in my view, is more love for one’s country.

  11. Jonna Says:

    To the activists who accuse people like me of not “stepping in their shoes”, did it ever occur to you guys that MAYBE You’re the close-minded ones because you’re so wrapped up in the romanticism of revolution that you fail to appreciate reality?

    —> “Maybe”, dear. Maybe. Let me remind you, too, of the Filipino adage: Maraming namamatay sa maling akala.ü

    Did your professor ever tell you to practice “objectivity” in Law school? Did it ever occur to you that “maybe”, there lies something deeper than what you can plainly see with your eyes. That not everything you see is not always what you get. That in order for you to see the water beneath, you must dig deep into the soil. Apparently, you are judging the activists only by what you perceive them to be and not by really “knowing” and “understanding” their cause.

    Unfortunately, ma’am, we may have different perceptions of reality. I am not sure where you got yours, but mine, I got from the places where even the slightest stink of the government you vehemently commend is hardly felt.

    “Let us not be stuck in the past.” Tell that to the farmers and the fishermen in the next town you spend your summer vacation in.

  12. Jonna Says:

    Eto ang continuation:

    =====it takes real governing to solve the issue. hindi yung ibabagsak mo lahat dahil hindi ka pa rin yumayaman hanggang ngayon. ibabagsak lahat dahil maraming gutom. nasaan ang lohika dun? walang koneksyon. pero hinde, lahat kasalanan ng gobyerno agad. hindi nga gobyerno e. yung presidente agad! aba, di niyo ata naiintindihan ang division of labor sa democratic government! tignan niyo sarili niyo.

    —> it’s not always about being “mayaman”. Lagi na lang ba kapag sumisigaw e ibig sabihin gustong yumaman? People are asking for the government to just give them enough, not even special treatment, but just ENOUGH and what is due to be given to them. The thing is, naghihirap ka na nga, nakikita mo pang nangungurakot ‘yung lider mo. Where’s democracy in that? Mas marami pa ang mahirap kesa mayaman. Mas nasusunod pa ang layaw ng minorya kesa sa mayorya. Is that to be considered as democratic? Tell me when did we have real democracy in this country? Nominal, probably. But not in real essence. Walang totoong demokrasya kung ang mga mamamayan ng bansa mo, naghihirap. Walang totoong demokrasya kung may pagpipigil at pagtapak sa mga karapatang pantao mo. Walang totoong demokrasya kung may PP 1017. and implementing this, in my opinion, is not reflective of a real governance and definitely not the solution to the real issues of our society.

    =====Clearly, we’re not mature enough to handle sacred things like a democracy. we tend to abuse it. kung paano abusuhin ng mga pilipino ang mga ‘free taste’ sa mall, libreng kumot at twalya sa hotel, free entrance sa concert. pareho. nasa kultura natin talaga kung bakit tayo ganito.

    —> Clearly, we’re not mature enough to handle sacred things like a democracy — especially if we do not even know and understand what it really means. Sino nga ba ang nag-i-instill ng sinasabi mong kultura ng pag-abuso sa mga “libre”? Sino ba, in the first place ang dapat na nagpo-provide ng mga dapat na libreng bagay na ito? Ng mga basic needs ng mga tao? Na palaguin ang mamamayan nito sa lahat ng aspeto? Ano ba ang silbi ng gobyerno kundi ang ibigay nito sa mamamayan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga ito? The government was not established to rob its people off of their basic rights. Hindi para mangurakot at manakot sa mga mamamayan nito. At lalong hindi ang maging sunud-sunuran sa mga bwakanang-inang dayuhan na nakikisawsaw sa internal affairs ng bansa. Obviously, the government itself does not know what the word DEMOCRACY truly means.

    Eto po muna, sa susunod ‘yung iba. Tapos na ang lunchtime eh. Hehe.

  13. Lynn Says:

    Did your professor ever tell you to practice “objectivity” in Law school?

    ==> Erm, we ARE allowed to have our own personal opinions (sorry, dripping with sarcasm ;p). Just bec we are taught to be objective does not mean we are neutral beings without our own stands.

    Did it ever occur to you that “maybe”, there lies something deeper than what you can plainly see with your eyes.

    ==> Of course it did. I think the way I do bec, well,I Just Don’t See Things “The Other” Way. Makes for lively discussion doesn’t it? =)

    Unfortunately, ma’am, we may have different perceptions of reality.==> Yea. Exactly.

    I am not sure where you got yours, but mine, I got from the places where even the slightest stink of the government you vehemently commend is hardly felt.

    ==> Note that I acknowledged an imperfect govt:”That the present administration which is very much capable of governing us, is inadequate…but what government is not???” And I do not blindly Commend Everything the govt does. What I am espousing is Working With It.

    In my view, it is not an “Either you’re for it or against it” thing. I choose to criticize, but within the system. Within the Laws. I would not commit sedition or rebellion or insurrection ifever I am dissatisfied with something because if I get caught, I would be incapacitated to help.

    Where I got my ideology? Well, from the very same places you got yours. It’s just that we have different approaches towards improving the lives of our people.

  14. Jonna Says:

    =====kung ako ang tatanungin, edukasyon talaga ang pinaka dapat tutukan e. kailangan baguhin ang kultura nating nabubulok at lasing sa kapangyarihan ng malayang mamamayan. turuan ng responsibilidad, sa bansa at sa ibang tao. turuan ng respeto, sa gobyerno at sa sarili. turuan ng siyensiya at matematika, para magka-foresight, magkaron ng realistic thought na hindi utopian, at hindi tatanga-tanga at marunong magbilang. turuan ng tiwala. tiwala sa kapwa pilipino at sa nakararami(majority).

    —> “kung ako ang tatanungin, edukasyon talaga ang pinaka dapat tutukan e.” Hindi ako tutol dito dahil ito rin ang gustong-gusto kong mangyari. Never have I doubted this cause. But I think the question here is: para kanino ba tayo mag-aaral? Para sa kaninong interes? Try to look at the curriculum of gradeschool students at kung saan naka-pattern ito. Pagkatapos mag-aral ng college, ano ang gustong gawin ng mga bagong grad? Mag-alsa-balutan at pumunta sa ibang bansa? O kaya magtrabaho sa mga call centers? O kaya mag-nursing at pumunta sa Tate para mag-alaga ng mga taong hindi mo naman kaano-ano? Hindi ko minamaliit ang mga nagtatrabaho sa ibang bansa dahil isa ang nanay ko sa mga ‘yon. Hindi ko rin minamaliit ang mga nagtatrabaho sa call centers dahil ang ate kong pangalawa ay minsang nagtrabaho rin sa ganon. Hindi ko rin minamaliit ang mga nurse dahil ang panganay na ate ko ay graduating na sa kursong nursing ngayong taon. Pero kung talagang pinahahalagahan ng gobyerno ang mga mamamayan nito, hindi sana ganitong klase ng mga trabaho ang ibinibigay at hindi sana sa mga ganitong klase ng trabaho tine-train ang mga tao. Nasaan ang responsibilidad dun para sa bansa? Oo, sabihin nating may kinikita ang bansa sa mga remittances na nakukuha sa mga padalang pera ng mga Pilipinong OFWs. Pero nasan dun ang respeto para sa sarili? Ang totoo, isa tayo sa mga bansang may pinaka-malaking export ng “cheap labor.” Kaya nga sa atin kumukuha ng mga tao eh. Hindi lang dahil sa “mababait” at “masayahin” tayo, kundi dahil napakamura ng halaga ng paggawa sa atin kaya sinasamantala na tayo, hindi pa natin alam. Kung tutuusin, kayang-kaya tayong bitiwan ng mga malalaking bansang nagpapamudmod ng mga trabahong tulad nito. E pano kung gawin nga nila? Na sa pagkakaalam ko eh ginagawa na yata nila sa Intel, na ililipat na sa India ang base nito. Pag nagkataon, e di wala na tayo? Pupulutin na naman tayo sa kangkungan. What I’m trying to say is, create our own national industries. Palaguin ang mga ito at ‘wag dumepende sa kung ano ang maibibigay ng US o ng Japan o ng kung sinong imperialistang bansa. Umpisahan sa agrikultura. Magkaron ng tunay na reporma sa mga lupa at hindi lamang mga pabalat o pakitang-tao. Ang laki ng mga lupain natin pero anong ginagawa sa mga ‘to? Binebenta sa mga kapitalista, pina-privatize at ginagawang mga subdibisyon at malls. Saan napupunta ang perang kinikita? Sa atin ba? Pagkabili sa atin ng lupa, kadalasan ay hanggang dun na lang. Wala na tayong share sa kita. O kung meron man, ilang porsyento? 60-40 ang hatian. O kung minsan pa nga, 80-20 lang. Mas malaki syempre ang parte ng bumili. Pero sino ba naman ang bumili na pagkatapos bilhin ang isang bagay e magbibigay pa ng share ng kinita nito sa pinagbilhan? Ano ‘yon, “penge namang balato d’yan, p’re”? Eto ang iniiwasan natin sa UP. Ang ma-pribatisa ang mga institusyon dito. Para ke pang tinawag tayong public, state o mas kongreto ay “national” university kung ipapaubaya tayo ng gobyerno sa kamay ng mga private companies? Eto na rin siguro ang sagot ko sa punto mo tungkol sa SB2587. Kung kinaya n’yo naman palang magkalap ng perang pampagawa ng building n’yo (sa pagkakaalam ko, ito ang EEE sa tapat ng CS -– correct me if I’m wrong — na sa pagkakatanda ko e nasa kasagsagan pa lamang ng isyu ng SB2587 at hindi pa ito naipapatupad nang ipinapatayo ang building na ito), e di maganda. Pero bakit kailangang i-institutionalize ang pagpa-privatize ng mga lupa? Bakit kailangang ipatupad ang pagde-deregulate ng gobyerno sa mga pag-aari ng isang state university kung makakaya naman palang maghanap ng funds nang hindi napapasailalim sa mga private companies? Kung gayon, ano pa ang esensya ng pagpapasa ng bill na ito? Wala. So why insist? Ang sabihin natin, kaya ito pinipilit na ma-institutionalize ay dahil gustong tumakas ng gobyerno sa responsibilidad. Wala namang problema sa pera eh. Kaya rin naming maghanap. Ang problema ay kung sa paanong paraan gagamitin ang mga lupa. Kung paano ang management nito at kung sino nga ba ang makikinabang. Maaaring hindi mangyari na bibitawan nga ng gobyerno ang UP ‘pag nagkataon. Pero may posibilidad din na maaaring ganun nga ang mangyari (possiblities again, yes, I know). Pero ang masaklap, walang safety net na binabanggit ang nasabing bill. So paano ngayon ‘yan kapag tuluyan ngang binitawan ng gobyerno ang responsibilidad nito sa UP? Don’t say we didn’t warn you. So sa tingin ko at ng mga kasama ko, wala naman talagang kwenta para maipasa ang bill na ito. Kung kailangan maghanap ng pera, e di maghanap. Pero never ever compromise the autonomous nature of the university. Kaya nga University of the PHILIPPINES eh. Hindi pag-aari ng iilang tao lang kundi ng lahat ng mamamayan ng bansa.

    =====saan ka nakarinig ng isang sektor ng gobyerno na gustong angkinin ang lahat ng pera ng gobyerno? hindi lang tayo ang sektor na nangangailangan nito. at sa sektor natin, public education and state universities, up ang may pinakamalaking cut sa budget. ang ibang kaawa-awang state universities ay wala halos nakukuha. ang UP maraming lupang hindi ginagamit. yung ibang state universities wala. may sapat tayong resources para mag-generate ng sarili nating pera. yung ibang state universities wala. the solution is so obvious, even a grade schooler can solve it. sa kabila nito, ang kapal ng mukha nating magdemand ng mas malaking budget at tumangging ipagamit ang mga lupa nating nakatiwangwang. paano mo rerespetuhin ang organisasyong ganun mag-isip? parang spoiled brat tayong mga taga-UP.

    —> Exactly. Kung tayo ngang national university na e kinakaltasan ng budget ng gobyerno, paano pa kaya ang ibang maliliit na SCUs at lalo pa ang mga public schools sa mga kaloob-looban ng mga baryong di na maabot ng paningin ni gloria? Hindi lang naman din kasi para sa UP ang budget na ipinaglalaban kundi para sa buong sektor ng edukasyon. Kaya nga may mga samahang tulad ng NUSP o National Union of Students of the Philippines para ma-organisa rin ang mga konseho ng iba’t ibang SCUs, pribado man o pampubliko. Definitely, hindi nawawala ang pakikipag-ugnayan ng UP sa iba’t ibang SCUs. Sa katunayan, tayo pa nga ang nangunguna sa inisyatiba. Sabi mo, walang pera ang gobyerno? Saan nanggagaling ang mga kinukurakot nila? At ilang taon na nilang ginagawa ‘yon? Kung ang sasabihin mo ay nasa kultura na natin ang ganon, bakit hindi putulin ngayon pa lang? Bakit pa hahayaang mas lalo pang lumala? Ika nga, “An ounce of prevention is worth a pound of cure.” E ang nangyayari nga, todo-todo na ang pagcu-cure pero ala pa rin. At ‘yun mismong lider pa ang nangunguna. Sus. Sino ngayon ang spoiled brat? Tayong mga taga-UP na ang hinihingi lang naman e ung sapat (take note, wala pa nga sa kalahati ng dapat na ibinibigay ng gobyerno na 6% ng national budget ang napupunta sa edukasyon), o ‘yung lider na kung anu-anong kabulastugan ang ginagawa at nakakaya pang i-tolerate ng mga tao? Tapos, para ka kamo sa edukasyon? E mahigit kumulang ngang kalahati ng national budget natin ang napupunta sa militarisasyon. Kung nakakaawa ang AFP, hindi ba’t mas nakakaawa ang kalagayan ng mga kabataang nag-aaral? This is not an appeal to emotion pero kung susuriin mo at kung talagang titingnan mo, ilang libong estudyante ang hindi makapag-aral at ni wala man lang klasrum na mapagdausan ng mga klase nila, ang iba pa nga ay sa ilalim lang ng mga puno nagtuturuan. Nasaan dun ang pagpapahalaga sa edukasyon? Ang allowance ng isang militar e makakapagpa-aral na sana ng lima hanggang sampung estudyante sa isang taon. Buti sana kung para nga sa tao ang ipinaglalaban ng militar. E ang kaso, ang pinoprotektahan lang nito e ang gobyerno. Na kitang-kita namang napaka-buwakaw pa sa kapangyarihan. There are lots of able people who I think can lead the country better than gloria. Hindi lang s’ya ang choice. I know you know that, pero mukhang sumuko na rin yata kayo at nililimita na lang ang choice sa kung ano ang meron ngayon at tumigil na sa paghahanap ng kung ano ang pwede pang magkaron. At marahil, kaya nga siguro magkaiba ang pananaw natin dahil nakita kong meron pang ibang landas na pwedeng tahakin bukod sa makipag-alyansa sa gobyernong alam mo namang hindi ka pakikinggan.

    =====physics is the only real philosophy. lahat iba ay puro walang kabuluhang dada at satsat. tama siya, kung ituturing mong model ang mga bagay sa physics para sa mga tao, parepareho lang din. kaya ganun na lang ang emphasis ko sa pagpalaganap ng scientific thought.

    —> E ganun naman pala e. E di para mo na ring dinebunk ang sarili mo dun sa isa mong post sa pagsasabing hindi maaaring maging pareho ang panahon noon sa panahon ngayon. Pare-pareho lang pala ang mga bagay eh. E ano ba ang kasaysayan? Hindi ba’t binubuo ito ng mga bagay… ng tao, ng lugar at mga kaganapan? Again, let me cite an infamous adage (tutal, sinimulan na rin naman ni lynn ang pagbibigay ng mga adage-adage na yan): HISTORY REPEATS ITSELF. Sumisibol ang kasaysayan dahil may mga kontradiksyon sa lipunan. Maaaring hindi pa panahon para sa rebolusyon. Pero ang rebolusyon, tulad nga ng pag-inog ng araw, ay isa ring siyentipikong proseso. Pangmatagalan. Hindi rin basta-basta na lang sumusulpot. At hindi mo rin iyon kaagad maiaalis. Tingnan mo ang Cuba, ang Venezuela. Sa tingin ko, hindi maituturing ang mga ito bilang utopian socialist dahil, obviously, nagtagumpay sila. At kinikilala ito ng ibang bansa at pati na mismo ng UN. Sila nga ang ginagawang modelo sa lahat ng aspeto, lalo na sa ekonomiya. At kung pano sila humantong sa ganitong yugto ay maia-attribute sa pagsunod sa siyentipikong proseso at sa pagkilala sa materialismo at hindi sa idealismo. Ika nga sa dialectical materialism ni Hegel, laging may thesis at anti-thesis. At sa paglalapat dito ni Marx ng historical materialism, ang bawat lipunan ay may tunggalian ng mga uri. At sa ngayon, kitang-kita. Napakatindi ng tunggalian sa lipunang Pilipino. It’s just a matter of time bago tuluyang magkaroon ng tunay na rebolusyon. Inevitable ito. Maaaring sawa na ang middle class sa rebolusyon dahil sa nangyari sa EDSA 1. Pero baka nakakalimutan natin, nandyan pa ang mga magsasaka at mga manggagawa. Na mas marami ang bilang (mahigit 75 porsyento ng bumubuo sa lipunan) kesa sa tulad nating mga peti-burgesyang napapabilang sa middle class. EDSA Revolution was never a revolution of and for the masses. Wala pang tunay na rebolusyong para sa masa ang nagtatagumpay sa Pilipinas.

    Anyway, pumasok lang naman ang teknolohiya pero ang mga kaganapan, ganun pa rin. Kung teknolohiya ang pag-uusapan, maniniwala ka bang ang ratio ng estudyanteng Cubano sa laptop na ginagamit sa paaralan ay 1:1?ü Ang saya-saya ‘di ba? Kaya ba ‘yang gawin ni Gloria o ng mga susunod pang reaksyunaryong gobyerno hangga’t patuloy na nakatali ang bansa sa mga alituntunin ng impeng US? I don’t think so. Ikaw? Ano sa tingin mo?ü

Leave a Reply