Archive for February, 2006

systems engineering

Tuesday, February 28th, 2006

—–> we have been dealing with this setup for hundreds of years. simula pa lang sa mga kastila. pasalamat pa nga tayo dahil sa panahon natin, dalawa (o tatlo?)ng rebolusyon pa lang ang nangyayari. nung panahon ng Kastila, umabot sa tatlong daan at mahigit. pero bakit nga ba? kasi, hindi pa rin natin nakikita ang totoong demokrasya. ang totoong KALAYAAN. pare-pareho lang din ang nangyayari. napapalitan lang ang mukha ng mga nasa pwesto pero ganun pa rin ang sistema. given kamo ang sistema? i don’t think so. resulta lang ‘yan ng mahabang panahon na pagkakasailalim natin sa mga dayuhan at lokal na pwersa. kung hindi dumating ang mga kastila, ang mga hapon, ang mga kano, sa tingin mo ba, magiging ganito tayong sunud-sunuran lang sa kanila? admit it. foreign-dominated ang kultura natin. at ‘yun ang nakakalungkot. dahil nagiging gaya-gaya na lang tayo lagi. wala na tayong sariling identity. may maituturing ba tayong totoong Pinoy na kultura???

::see? ito yung sinasabi ko at sinasabi ni lynn.. you’re stuck in the past! panahon ng kastila, it was a monarchy run by foreigners. there’s no way that it’s the same setup. we have a democratic government that’s ‘run like hell by the filipinos.’ just the way Quezon wanted. Now we’re trying to fix it up by improving the performance of the government. Toppling the government is not the answer. ilang daang taon at ilang libong buhay ang ginugol para magkaroon tayo ng sariling gobyerno, tapos pababagsakin lang. why not work with it and let our culture slowly shape the system. ito na nga ang nangyayari sana ngayon e.

oo i admit foreign-INFLUENCED ang kultura natin. pero we can’t change this. at least not overnight. THIS is really part of the given, and of the problem. 300+ years tayo dominated ng foreign forces and it’s just natural for a few more decades na nandun pa ito.. hindi mo kaya mabura yun. pero we can’t live in denial. wag natin piliting mawala lang ang foreign domination na ito sa isang bigla. hindi talaga gagana to. its just not natural.

We got the system from the americans which doesn’t exactly fit our culture. kaya nga papalitan dapat ng federal parliamentary. mas malapit ito sa datu system ng mga sinaunang pilipino. bukod dun, dahil archipelago tayo, decentralized dapat ang local governments. kanya kanyang batas at long term projects. ang mas importante, kanya kanyang budget. yung sistema ngayon ay nagsastunt ng growth sa provinces dahil nakasentro sa manila lahat. kaya lahat gusto pumunta dito, kaya maraming squatters, kaya maraming mahirap, kaya maraming krimen. nakita na ito ng mga experts. kaya ang solusyon nila ay i-adjust ang system. pero siyempre hinarangan nanaman ito ng mga taong supposedly bukas ang isip. pero kaya nga siya naharangan dahil demokrasya tayo, may kalayaan tayong harangan yun. kaya nga ako nagdadalawang isip kung mature na ba tayo para humawak ng isang demokrasya? mature na ba tayo para alamin, respetuhin at gampanan ang mga responsibilidad ng isang taong may kalayaan? Ilang daan taon tayong inuhaw sa kalayaan kaya ngayon, nagtatakaw tingin tayo. inaabuso natin ang kalayaang pinaghirapan natin. hindi lang yon, uhaw pa tayo sa mas maraming kalayaan pa! ano ba ibig sabihin nito? ganito, pag malaya ka, kaya mong gawin ang gusto mo. kung kulang pa ay dahil hindi mo dapat tapakan ang kalayaan ng iba. pero kung gusto mo pa rin ng mas maraming kalayaan, di ba kapangyarihan na ang hinahanap ninyo? kung ganun, uhaw na kayo sa kapangyarihan. you’ve become what you accuse.

——–>kasi, hindi pa rin natin nakikita ang totoong demokrasya. ang totoong KALAYAAN. pare-pareho lang din ang nangyayari. napapalitan lang ang mukha ng mga nasa pwesto pero ganun pa rin ang sistema.

::Allow me to count the fallacies in this statement. nevermind. this is such a typical tibak line. you’re skipping the details, overgeneralize and jump to conclusions. Bakit hindi mo makita ang demokrasya? nakikita ko ito. ang linaw o, ayan nasa harap ko. baka kaya hindi mo nakikita dahil ayaw mo makita. o baka dahil hindi mo naiintindihan ang demokrasya at kung pano ito pinaiiral.

Let me give you a dose of your own medicine: have you ever REALLY tried looking at the efforts of our government to fix this country up? sobrang daming taong devoted ang buhay para ayusin yung bansa. most of them are in the government trying their best. there are people who are really doing something even if the system they’re working with is bad and not conducive. adjusting the system is a solution. para mas conducive ang system to good governance.

ito ang dapat din nating gawin sa pang-arawaraw na buhay natin. the system is a given and we should try our best to be the most productive people in that system. to take care of the system is the job of the government. they have to make sure that the system is working so the people can be productive. they study the activity of the people and from their assessment, make adjustments to the system. meanwhile, we should learn to trust the government’s decisions. and see the good side of it before the bad.

ang nakikita ng gobyerno base sa assessment nila ay yung form of government is a hindrance to productivity and is conducive to abuse. kaya nga gagawing parliamentary federal. mas distributed ang power. at mas kanya kanya ang decision making. this way, mas makakaparticipate bawat isla ng bansa para mas bagay sa kanila ang mga desisyon nila. i find it the perfect system to implement in a culture like ours. in engineering terms, i think it’s the model that would yield the most ideal result. and i agree with that decision.

if one would still disagree to major policies, he or she has the right to do so, but the decision is still up to the majority and if the majority decides against your stand, respect it. NOT GO OUT AND TRY TO TOPPLE THE ONE IN POWER. that’s democracy. it’s happening right now.

may kalayaan tayo. kaya nga nagkakanad-gulo gulo. dahil inaabuso ang kalayaan na to.

The problem with the left is that they assume that the government is evil. Every action made by the government is misconstrued as taking advantage of the power they have and that it’s being done for personal gain. The left calls this vigilance. I call it closed minded prejudice.

(haha, parang ang gulo ng pagkakaorganize ng mga sinusulat ko. sori, hindi ako writer. at may hangover pa ako. haha sige sana naintindihan ninyo. tinatamad na ako magedit.)

Why I think rallies won’t work

Monday, February 27th, 2006

Have you EVER really tried getting out of your car and try spending time with these people? If not, I guess you are not in a position to judge them either dahil hindi mo naman din nararamdaman ‘yung nararamdaman nila. why they go out into the streets. why they spend time and endure the heat of the sun shouting their calls.

    Well, oo hindi ako madalas sumasama sa mga rally. ang huling sinalihan ko ay edsa2. at na-dismaya ako kung paanong inangkin ng mga left ang credit ng pagpapatalsik kay erap. that rally worked because it was participated by a large multi-sectoral group. and masakit mang aminin, gumana ito dahil sa pagsali ng middle class sector at ng military. ang pagrarally ng left at ng mahihirap ay masyado nang common kaya’t hindi na umeepekto.

edsa2 nga ang huli kong sinalihan (ang una ay edsa1). pero hindi iyon ang huli kong pinuntahan. tuwing may demonstrasyon sa UP, minsan makikita mo ako sa gilid, nakikinig sa sinasabi ng naka-megaphone. binabasa ko lahat ng slogan. alam mo bang noong nagsisimula ang edsa3 ay nandoon kami? para lang makita namin kung bakit nandoon ang mga tao at kung may substance ang pagtitipon nila. nandun kami sa may greenhills nun, dinayo namin. nasa kabila kami ng gate para hindi makita. pero pinakinggan namin lahat. puro ‘gloria labandera’ lang ang narinig namin. walang substance ang pinaglalaban nila.

wala akong reklamo sa demonstrasyon bilang paraan ng pagpapahayag ng damdamin. subali’t ang napansin ko lang kasi ay inaabuso na ito. mas marami nang naidudulot na masama kaysa mabuti. ang rally ay may trade off, maipararating mo nga ng malakas ang gusto mo iparating, pero nakapagbibigay ka ng impression ng anarkiya at kaguluhan. ang rally dapat ay ang last resort. nirereserve dapat ang paggamit nito. hindi ito ginagawa linggo linggo na parang noon time show. nakasasama din ito para sa cause ninyo. dahil sa dalas ng mga rally, humihina na ang dating nito sa gobyerno at mga tao.

ang purpose ng rally ay mapa-panic ang gobyerno o kung sino man ang kinakalaban sa rally. dapat pag nag-rally, sasabihin ng gobyerno, "there are already people are on the streets! they must be really mad now!!" pero ngayon, kupas na ang dating ng rally sa gobyerno. "there are people on the streets!" "so what, they’re always there." alam mo bang ganito na ang iniisip ng gobyerno at ng mga tao sa mga rally ngayon? its just a daily nuisance to them now. and since the tool has been overused, it has been an ineffective mode of protest. kahit ang mga tao hindi na nagtatanong kung bakit may rally, dinadaandaanan na lang ngayon ng mga tao

rallies are supposed to send shockwaves to everyone because it’s not normal. pero na-inculcate na siya sa pang-araw araw na buhay ng tao. it’s now part of the norm and is taken for granted by a lot of people now.

so yun, nawawala na ang magandang epekto ng rally. ang hindi nawawala ay ang masamang epekto nito. na ginugulo niya ang pang-araw araw na buhay ng mga tao. dahil nahaharangan ang mga kalsada, tumitigil sa trabaho ang ilan, bumababa ang productivity ng bansa. bukod pa ito sa ‘idle’ na kalagayan ng mga nasa rally mismo. bawas din yun sa productivity ng mga pinagtatrabahuhan nila. bukod pa dun, nagpapakita ito ng instability bilang estado. ang image ng bansa ngayon ay nagiging less stable sa tunay niyang level of stability. naaalala ko nun sa computer game na ‘civilization.’ pag pinili mong government ay democracy parating may nagrarally (civil unrest ang tawag dito), nakakainis, natatalo ka tuloy. kasi susugurin ka na ng kalaban at walang civilian na gustong sumunod sa ‘yo. kaya nagmomonarchy ako parati dun! panalo! hehehe wala lang. pero totoo naman na ganun ang nangyayari, nasustunt ang productivity without the good effect of a rally. ang imahen ng instability na ito ang nagpapababa sa piso, nananakot ng invesotrs etc.

samakatuwid, sana i-reserve lang ang rally bilang big guns. sa may1 lang sana siya imbis na bawat holiday ay may pilit na pakulo. puntod ng inang bayan sa all soul’s day, santa claus na effigy ni GMA sa pasko na may daladalang loot sa sleigh pag pasko, dragon ng corrupt na opisyal sa chinese new year, love affair ni gma at pera sa valentines, nakapakong bansa sa banal na araw. ang corny na ng mga ideas e. naging novelty tradition na lang din siya nang hindi nawawala ang masamang epekto nito.

why im not a leftist

Monday, February 27th, 2006

"Hmm… sensha na ang dami kong comments ha. Pero pansin ko lang, mukhang galit na galit ka sa mga tibak. But let me ask: did you try, even once, to look into their sentiments and analyze (really) the situation? If I were you, I’d stop blabbering for once and try to see the society from their point of view at kung bakit ganun ang mga sentimiyento nila. Inuuna mo kasi yata ang galit. Nabara ka kasi siguro ng isang prof na tibak noh o kaya baka naman nasopla ka ng isang estudyanteng tibak? Oh well, whatever the reason, sana lang, ‘wag maging sarado ang mga isipan. And try to live with the masses para hindi ka rin dada nang dada at nang hindi sila ang sinisisi mo. Oh well, suggestion lang naman po ‘yon. But then again, that is "If I were you". Internal pa rin ang mapagpasya. Gudlak! &;p"

ei jonna! sabi ko na ikaw ang unang magbibigay ng violent reaction sa post ko! let me answer your question. yes, i have tried looking into the philosophies and principles of the Left back when i was trying to understand what’s happening to our country.

paulitulit ko namang sinasabi na walang personalan ang comments ko at pawang tagisan lang ng prinsipyo at pilosopiya di ba? hindi ba ibig sabihin nun ay galit ako sa prinsipyo ng kaliwa at hindi dahil may nangaway sa aking prof o may nanablang tibak sa akin. i have tried debating with a lot of people from the left trying to find meaning to your cause. pero they failed to convince me. sila pa nga ang tinabla ko with my questions that they failed to answer coherently. pero at least pinakinggan ko kayo di ba? kaya naman alam ko ang tinatabla ko. pinakinggan mo ba yung mga sinasabi ko? yun ang sabihin mo kung mali. ang napansin ko kasi sa tibak, parepareho ang response. like what you did. kung anoano ang sinabi ko at ang response mo ay "’wag maging sarado ang mga isipan. And try to live with the masses para hindi ka rin dada nang dada at nang hindi sila ang sinisisi mo." imbis na point by point ang reaction mo sa bawat topic ko.

naisip niyo na ba na ang kaliwa ang sa tingin ko ay sarado ang isipan? ang pagiging bukas ang isipan ay nangangahulugang iniintindi mo ang side ng bawat isa bago gumawa ng desisyon. at pinagaralan mo ang desisyon na yun kung ano ang kahahantungan. nagawa mo na ba yun? tatlong dekada na ang mga prinsipyo ng kaliwa, at laos na yun. hindi na siya babagay sa lipunan at kultura ngayon. yun nga ang sinasabi ko sa sinulat ko e. maraming nag-aral ng lipunan natin at nagisip ng makabagong mga solusyon sa mga problema natin. mga solusyon tulad ng constitutional amendment, privatization ng mga gov’t firms, capitalismo, globalisasyon. ito ang proposed solution ng maraming tao na involved sa mga industriya at business. dito nanggagaling ang pera ng bansa natin! at ito ang aayos sa sistema natin batay sa experience ng mga taong dumaan sa sistema na ito.

ano ang sinasabi ng kaliwa dito? kung saan ilang bahagi ng kaliwa ay nakatira sa bundok ng ilang taon na? ano ang alam nila sa kalagayan ng ekonomiya, in particular, ang big picture o macroeconomic point of view. sinasabi ninyo na ito ay magreresulta sa pangaabuso, pangiisa, para sa kapakanan ng mga kakaunting makasarili, ng mga corrupt na pulitiko. wala pa nga, minamasama na agad. oo may posibilidad na mapasama. pero lahat naman ng sistema ay may posibilidad na mapasama pag hindi naaalagaan(sa engineering ko din nakuha ito) walang perfect solution sa kahit ano. pero hindi mo dapat basta irereject bawat sistema dahil sa ilang maliit na posibilidad. dito dapat natin ituon ang vigilance natin. na wag mapasakamay ng mga gahaman at makasarili ang sistema. ngayon ang sistema natin ay madaling mapasok ng masama. kaya nga gustong palitan. kaya gusto magcharter change.

at tignan niyo ang organisasyon ninyo? ang kaliwa ay nahahati sa higit sa dalawang magkaaway na paksyon. ang mga loyal kay joma tulad ng bayan muna nina satur ocampo, ang akbayan nina etta rosales na hindi na kapareho ng paniniwala kay joma, ewan ko kung ang sanlakas ay nasaang panig. baka nga hiwalay pa. at magkaaway din. kahit si joma, ang prinsipyo niya ay hindi rin tugma kina mao zhedong. tamang ehemplo ba yan ng prinsipyong gusto ninyong ipalaganap sa lipunan natin? ang mga sundalong galit sa sistema ng afp, hindi rin kapareho yun ng hinihingi ninyo. madumi talaga ang AFP at may first hand experience ako dito. pero ito ay dahil inaabuso ang sistema. hindi kasalanan ng sistema ito. hindi pa nga napapatupad ng maayos ang sistema pinapabagsak na agad. ang mga oposisyon, na hindi naniniwala sa mga prinsipyo ng kaliwa at kanan. sige, kaya niyo ibagsak ang nakaupo ngayon. pero ano pagkatapos? ano gagawin? sino susundin? dito papasok yung foresight na sinasabi ko. kung kapakanan talaga ng bansa ang iniisip mo, makikita mo ang epekto ng bawat galaw mo sa bawat aspeto ng bawat buhay ng pilipino. at iingatan mo ito. ito nga ang nangyari sa people power 1, sama sama nating ibinagsak ang diktadurya. pero hindi tayo makabangon dahil nag-awayaway ulit lahat kung papaano babangon. simula ng mapabagsak si marcos, wala nang sinuportahang pangulo ang kaliwa. puro ‘pabagsakin ang rehimeng US-x’ where x is the current president. sigurado, ganito ulit ang mangyayari pagkatapos. dahil ito din ang nangyari pagkatapos ni erap. paulit ulit na lang. pag naulit pa ito, mukha na talaga tayong tanga.

isa pa, ang tatay ko ay isa sa mga pinaka-kaliwang tao nung panahon nya sa up. KM yun e. at namundok siya at nakulong noong martial rule. siya ang nagturo sa akin ng prinsipyo ng kaliwa at kung bakit hindi ito gagana sa lipunan natin. natutunan niya yon sa mahirap na paraan. maganda ang explanation niya sa mga yun. convinced ako. bukod dun, pasok siya sa sinasabi ko sa sinulat ko na scientific thought. panuorin mo ang mga sinasabi ni jose ‘peping’ cojuangco sa anc, ang mga sinasabi ng tatay ko sa interviews niya. ang mga pasya ng economic team ng palasyo. ang mga prinsipyo ni gen. senga at gen. allaga. ang mga prinsipyo ni bayani fernando. ang mga prinsipyo ni dick gordon. pati ng dean ng engineering ngayon na si dr. guevara at ang sts prof ko na si dr. arcilla. ganun din ang naiisip ko. sila ang mga tinitingala kong mga tao at mga pinagkakatiwalaan ko ng kinabukasan ng bansa. ang tatay ko ngayon ay sa gobyerno nagtatrabaho. kasama siya sa nagbibigay direksyon sa pilipinas. pag nagpapakwento ako kung ano na ang mangyayari sa pilipinas, ang ganda ng plano nila. papalaguin ang kalakalan. para maka-generate ng yaman ang bansa, at matuto tayong pangalagaan ito. nagkakabunga na ito. unti-unti. at nadidismaya ako tuwing sasabihin na wala nanamang nangyari dahil hinarang ng mga kaliwa. tapos na ang bagong charter. pero mukhang wala daw mangyayari dahil kahit na puro mga dalubhasa sa kanikanilang larangan ang mga nagsulat nito, (kasama ang tatay ko) pilit hinaharangan ang pagpapatupad nito dahil sa mga maliliit na posibilidad!

And don’t tell me to stop blabbering for once and try to see the society from their point of view. im offended. i never blabbered. ngayon lang. in fact i can say the same with the Left. To stop blabbering for once and try to look at the achievements of the government in business and infrastracture. hindi yung parang batang nagaalboroto sa kalye, hindi nakakatulong. parang may nanay at tatay na hindi makatrabaho dahil nagwawala ang anak. yung tipong pag bubuhatin mo yung bata ay pilit magpapabagsak paupo sa sahig.

ang sinasabi ng kaliwa ay payamanin ang mahihirap. oo kasama ito sa plano. dahil pag maraming mahihirap. walang lugar para magtayo ng business dito. walang buying power ang mga tao. siyempre ang gusto ng business leaders ay may pera na umiikot sa bansa. from high school economics, ito ang nagpapataas sa halaga ng pera. at ito ang bumubuhay sa kultura ng kapitalismo. kaya kasama dito ang bigyan ng oportunidad na magkapera ang mahihirap. kasama ito sa plano ng gobyerno.

im not the biggest fan of gloria myself pero siya yung nakaupo e. she’s a given in the math problem. and i believe she’s the best choice, or least evil of them all. and of course, who would want a state of emergency? ayoko din. ayoko din ng warrantless arrests, repression ng media. pero ika nga ni miriam defensor sa interview niya sa anc, yung desisyon na yun ay batay sa mga pagaaral ng hindi iisa kundi maraming dalubhasa sa gobyerno at may karapatan tayong pagkatiwalaan yun at kwestyunin. at ako, gagalangin ko muna ito bago magreklamo. nakakainis nga na yung coup attempt ay naplano pa kasabay ng relief operations sa leyte. sino ang insensitive ngayon? ito rin naman ang dahilan ng pagdeklara ng 1017 e. at ilang araw lang naman ito. sige, hihintayin ko yung ilang araw na yun. sana tumahimik na muna lahat para makausad na ulit ang bansa.

ang sinasabi ko ay galangin natin ang sistema. maging vigilant tayo na mapagana ng maayos ang sistema at hindi lang piliting ibagsak ito. may justice system tayo. dun natin dalhin ang mga human rights violations. magtiwala tayo sa desisyon na bigyan ng pera ang afp dahil nakakaawa ang lagay ng afp. tayo ang pinakamahinang hukbong sandatahan sa asya ngayon. ang komersyalisasyon ang solusyon sa kakulangan ng pera. teka, ganito, una, harapin mo ang katotohanang kulang ang pera natin. given yun. maraming problema ang bansa, pinagaralan nila kung paano hahatiin ang pera para makakuha ng most ideal na returns na hindi lang necessarily financial. siyempre gusto ng bawat sektor na sila ang pagtuunan ng pansin. andun na ang afp modernization. ang budget cut at sb2587 ay mga magagandang solusyon sa pag-generate ng pera ng unibersidad. pinaka magandang example niyan ay ang building namin. magaganda ang facilities namin dito. at nagawa agad ang building. bakit? dahil ginamitan namin ng engineering design ang pagkalap ng pera. hindi kami umasa sa gobyerno dahil alam naming marami silang iba pang iniisip. umayon kami sa solusyon ng gobyerno at ang mga parameter na ito ang ipinasok namin sa equation. naayos namin. saan ka nakarinig ng isang sektor ng gobyerno na gustong angkinin ang lahat ng pera ng gobyerno? hindi lang tayo ang sektor na nangangailangan nito. at sa sektor natin, public education and state universities, up ang may pinakamalaking cut sa budget. ang ibang kaawa-awang state universities ay wala halos nakukuha. ang UP maraming lupang hindi ginagamit. yung ibang state universities wala. may sapat tayong resources para mag-generate ng sarili nating pera. yung ibang state universities wala. the solution is so obvious, even a grade schooler can solve it. sa kabila nito, ang kapal ng mukha nating magdemand ng mas malaking budget at tumangging ipagamit ang mga lupa nating nakatiwangwang. paano mo rerespetuhin ang organisasyong ganun mag-isip? parang spoiled brat tayong mga taga-UP.

alam mo pala, wag sanang sabihin na boses ng kabataan at boses ng UP ang mga sinisigaw ng STAND-UP. hindi sila ang mayorya sa UP. sigaw ng iilang studyante sa UP lang yun. naaalala kong pikon na pikon ako sa banner na nakahambalang sa vinsons noon na nakalagay, ’sigaw ng UP: patalsiking si gloria.’ mas marami sa UP ang bumubulong lang. at kapareho halos ng nakikita ko. hindi lang sila nagtetake ng time para isigaw ito dahil alam nilang hindi sila pakikinggan. o sisiraan lang sila tulad ng mga nagtangkang kumalaban sa partidong STAND-UP. sana wag angkinin ng STAND-UP ang UP. STAND-UP is NOT UP. and they have no right to represent us. mas malaki ang silent majority sa UP.

whew. pasensya ka na ang haba ng reply ko. minsan lang naman ako magsabi ng naiisip ko. sana naging malinaw ang stand ko sa yo at sana respetuhin mo ito tulad ng pagrespeto ko sa stand mo. tandaan mo na kung hindi ko ito nirespeto ay hindi ko lang ito pinansin tulad ng ginagawa ng karamihan sa gobyerno na binabaliwala ang mga ginagawa ng kaliwa, hindi lang pinapansin. im taking time to react to your ideas and the ideas of the left. most people in UP wouldn’t care or listen to your cries. tulad ng marami kong kaibigang kapareho ko mag-isip.

let’s do this the greek way and debate about it like true intellectuals. magkaibigan naman tayo di ba? walang personalan to. maaaring harsh ang mga salita ko. pero ang tinutukoy ko ay ang pilisopiya at hindi ang pagkatao. salamat sa pag-reply sa akin. pareho naman tayo ng gustong makita, ang umayos ang bansa natin. magkakampi tayo sa hangaring iyon. :)

don’t you just hate reruns?

Sunday, February 26th, 2006

don’t you just hate reruns? another people power?? how passe. the emergency rule is so far from being martial rule yet, people react as if they’re heads are being hunted down already! martial law is so 80s. people power is so 80s. this is 2006. tama na drama, nagpapaka-cool na lang kayo by going against things.

c’mon filipinos, grow up! why are these people stuck in the past? bawat galaw bibigyan niyo ng kahulugang masama. bawat kalabit, bawat kataga, masama. bawat mali, kahangalan na.. takte. umaayos na ang ekonomiya, wawasakin niyo pa. nag-protesta si querubin sa pag-relieve sa commender nila. datingan ang mga lider para sumigaw na bumaba si gma. it doesn’t make sense. ibang issue. sabi nga ni gen. senga: "Please help us resolve this matter peacefully by leaving us alone… …Let’s
not blow up the situation… Don’t go [to Fort Bonifacio], it will
compound the situation… The situation is being exploited, making it
worse," ang linaw. internal matter. nagpapapansin pa mga tao. binabahiran ng pulitika. nabalitaan ko, may kumanta pa ng ‘bayan ko’ sa harap ng mga marines. nakakasuka! wag niyo na ipilit ang ’spirit of edsa’ iba yun. please, masyado kong nirerespeto ang edsa revolution para gawing novelty tradition tulad ng ginagawa ngayon. nakakasuka talaga.

what’s your proposed solution to our problems? screw things up even more?  march on to the streets claiming it’s your right? how selfish. you’re being dispersed because you’re violating the right of motorists to drive on national streets. that simple. it’s a basic human right, right? remember, democracy means being free without stepping on the freedom of others. i have the right to drive on edsa. so get out of the friggin way. no political shit there. just exercising my plain human right. o, ikagagalit niyo ba yung sinabi ko? siyempre, apathetic, insensitive, makasarili ba ang dating ko sa inyo? well, i can say the same for you people on the streets regarding my cause.

kung bakit hindi umaayos ang bansa natin ay hindi na dahil sa pamahalaan. dahil na sa tao. pwede tayong people power ng people power pero hindi tayo uusad dahil reset ng reset ang sistema. hindi nagdedevelop. walang long term plan na naisasagawa, at naggampanan ng maayos. wala na ang kultura ng pagunlad. kultura na lang ng pagwasak.

actually meron pang kultura. ang kulturang wowowee.. kulturang gusto, pagupo ng pangulo, ayos na lahat. yayaman agad lahat ng mahirap. tataas piso, bababa gas. tataas sahod. lahat gusto biglaan ganun. hindi ganun yun e. matagal makabawi sa pagkalugmok! dekada ang inaabot! bumabangon pa nga lang tayo mula sa epekto ng martial law.. gugulo nanaman.. wala rin lahat ng naipundar na pagbabago. tumataas na sana ang piso. bababa na sana ang gas ng 3 piso. pinopromote ang negosyo. dahil sa teorya ng pagturo mangisda imbis na bigyan ng isda. ika nga ng tatay ko, in order to alleviate poverty, we need to instill a culture that’s capable of creating wealth, and has the ability to sustain it. (hindi direct quote yun, from memory lang, fyi) o di ba? real solutions to real problems. instead of the cinematic shouting, overly dramatic images of poor children. tapos slogan sa ibaba, ‘end poverty.’ uh, yeah, but how? don’t get me wrong, im wearing the white anti-poverty band. pero this is a small step. awareness. it takes real governing to solve the issue. hindi yung ibabagsak mo lahat dahil hindi ka pa rin yumayaman hanggang ngayon. ibabagsak lahat dahil maraming gutom. nasaan ang lohika dun? walang koneksyon. pero hinde, lahat kasalanan ng gobyerno agad. hindi nga gobyerno e. yung presidente agad! aba, di niyo ata naiintindihan ang division of labor sa democratic government! tignan niyo sarili niyo.

Clearly, we’re not mature enough to handle sacred things like a democracy. we tend to abuse it. kung paano abusuhin ng mga pilipino ang mga ‘free taste’ sa mall, libreng kumot at twalya sa hotel, free entrance sa concert. pareho. nasa kultura natin talaga kung bakit tayo ganito.

at yun pa, wala tayong foresight sa kung ano ang magiging resulta ng mga kagagawan natin. ano pagkatapos mapatalsik si GMA? ganun ulit, away.. gulo.. sugod tayo ng sugod di alam kung ano kahihinatnan. parang taxing sasaksak sa intersection na may dalawa nang nakasaksak. lalong nagkakakabuhol. nagkakatutukan yung tatlong kotse at walang makagalaw. ang tanga di ba? lahat ng maliliit na kalabuan ng pilipino ay maaaring magsilbing metaporikal na representasyon ng kabuuang ugali ng lipunan. hindi ko alam kung may teorya na ganito sa sosyolohiya pero mukhang tama naman.

kung ako ang tatanungin, edukasyon talaga ang pinaka dapat tutukan e. kailangan baguhin ang kultura nating nabubulok at lasing sa kapangyarihan ng malayang mamamayan. turuan ng responsibilidad, sa bansa at sa ibang tao. turuan ng respeto, sa gobyerno at sa sarili. turuan ng siyensiya at matematika, para magka-foresight, magkaron ng realistic thought na hindi utopian, at hindi tatanga-tanga at marunong magbilang. turuan ng tiwala. tiwala sa kapwa pilipino at sa nakararami(majority).

condemn anarchical thought! think realistically and practically!(<–sloganeering. nakikiuso.)

(lahat ng sinasabi ko ay nagsimula sa metapora ng pagiisip ng isang inhinyero para sagutin isang engineering problem, ang siyensya ang nagmulat sa mata ko kung
paano magisip ng makabuluhan. naalala ko sabi ng propesor ko sa quantum physics. physics is the only real philosophy. lahat iba ay puro walang kabuluhang dada at satsat. tama siya, kung ituturing mong model ang mga bagay sa physics para sa mga tao, parepareho lang din. kaya ganun na lang ang emphasis ko sa pagpalaganap ng scientific thought. halimbawa, sa mga problema ng bansa, tulad ng isang mathematics problem, DON’T CHANGE THE GIVEN. work your way around it to achieve your goal. parang sa bansa natin. the system and the government is a given. respect it, and try not to change it. solve the problem given those complexities. hindi yung "ma’am mali given, palitan natin." kaya siguro yung mga nagrarally ngayon mga nagsibagsak yan sa math noon. haha joke lang. isa pang halimbawa. sa engineering design: ito ang steps: have an ideal model to the problem and have the solution. now, understand that the ideal result is unattainable in the reality. factor in the non-idealities one by one and make necessary adjustments to the solution to achieve a result that is nearest the ideal. the most important part of the philosophy is to understand that the ideal is impossible. this thinking automatically disproves socialist theories. pero kahit yung mga maririnig mo sa tabi tabi tulad ng: "ay dapat kasi ganito lahat ng tao para maayos", at karamihan ng mga proposed solutions ng mga maiingay na lider ng kung anu-ano sa bansa natin.)

My thoughts on the stupid Ultra (or ultra stupid) stampede

Saturday, February 4th, 2006

What’s sadder than the senseless deaths is the realization of the situation of this country. That people are so desperate they have given up even their pride. They were there for the money, they died longing for the money. They were not there for the entertainment which was the whole purpose of the existence of the show. It was pathetic. Aside from all that, the tragedy showed how stupid the filipino people are. A lot of people didn’t even have enough foresight to plan for their trip home. They were expecting to win a game of chance so that they could go home at least. And everyone’s blaming the network. Yeah, the network is not doing a great job in general but in this case, they have no responsibility whatsoever. The press grilled the security chief for alleged lack of preperation for this. But who, in his right mind, would expect human beings to act like a bunch of mindless animals? I praise the ABSCBN AVP for security for still having enough respect for his kababayans. He deployed 200 men to guard the show. Enough to secure 25000 people, if they acted like humans, but very small to handle 20 stampeding elephants. Thousands of humans stampeded, unmindful of unconcious bodies that they were already trampling upon. Still expecting to get in and have fun inside. They didn’t care about the other people. They wanted to win a measly 10$ in exchange for a lousy joke and their dignity. And when their relative dies, they blame the people in power, the guards, the network all the way up to the government. Is this the way humans evolved to be? We were much civilized centuries ago! What’s happening to this country? This is what’s really making me cry. Not the 79 deaths, but the thousands more that are waiting to happen if this country remains to act and think(or not) the same.